Wednesday , December 18 2024
Dennis Trillo Jennylyn Mercado

FB post ni Jen ukol sa kanilang kasal binura

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

PARANG isang himala na nagdalantao si Jennylyn Mercado matapos nilang i-give up ang napakagastos na efforts nila ni Dennis Trillo na magkaroon sila ng sariling anak na mula sa pinagsanib nilang genes sa pamamagitan ng teknolohiyang “surrogacy.”

Nasa Amerika ang mga eksperto sa teknolohiyang yon, at doon nga sinubukan ng dating live-in partners na magka-baby sila. Pero ‘di umubra sa kanila.

Pero isang araw ay nadiskubre ni Jen na nagdadalantao siya. Parang isang himala ‘yon. 

Para siguro mabasbasan ang sanggol sa sinapupunan ni Jen kaya nagpakasal na sila ni Dennis kahit sa civil rites lang, hindi solemn o religious wedding. Noong Lunes idinaos ang kasal sa hardin ng isang studio sa Quezon City na pag-aari ni Kathryn Bernardo.

Kaunti lang daw ang dumalo, ayon sa isang ulat sa Pep.ph. Mga miyembro lang ng kani-kanilang pamilya, at ilang kaibigan ang inimbita nina Jen at Dennis.

Nag-post si Jen sa FB n’ya ng litrato nila ni Dennis. Ayon sa isang report sa Manila Bulletin: Jennylyn posted a picture of the wedding on Facebook. It was captioned: “Forever, you & me.” A few minutes later, she deleted the photo. Some netizens, however, were able to capture the picture.  

At dahil nga may nakapag-screenshot ng picture na ‘yon, ipinasa-pasa nila ang litrato, kaya kalat na rin ‘yon ngayon sa social media at sa traditional media. 

Pero isang kababalaghan kung bakit tinanggal ni Jennylyn ang post na ‘yon na wala namang nakaeeskandalo o nakadidiring detalye. 

About Danny Vibas

Check Also

Bong Revilla Jr Tolome Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong buwis buhay stunts sa Tolome, underwater scenes kahanga-hanga

MA at PAni Rommel Placente SA grand mediacon ng weekly action-comedy series na Walang Matigas Na …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB inilabas angkop na klasipikasyon para sa siyam na pelikula

SIYAM na pelikula mula sa maaksiyon hanggang sa nakaaantig ng pusong mga istorya ang binigyan …

Mary Joy Apostol Akihiro Blanco The Last 12 Days 

Mga pelikula ng Blade nasa Viva na, The Last 12 Days napapanood din sa 80 bansa

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio INAMIN ni Mr Robert Tan, may-ari ng Blade nawala silang experience sa paggawa ng …

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Mon Confiado Espantaho

Mon Confiado, kompiyansang papatok sa MMFF50 ang pelikulang Espantaho

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio HABANG papalapit ang December 25 ay mas nagiging excited ang …