Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
marian Rivera, Flora Vida, Clothing Line Sold out

Comfy dress ni Marian mabilis naubos (kahit tig-P10K ang halaga)

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

KAHIT nasa bahay lang si Marian Rivera, laging may interesting developments tungkol sa kanya. 

Ang isang big news tungkol sa misis ni Dingdong Dantes ay ang pagiging fashion designer na nito.

Ang higit pang mas malaking balita ay halos sold out na ang mga damit pambabae na idinisenyo ni Marian tatlong araw pa lang pagkalunsad n’ya ng mga ‘yon noong Biyernes. 

At P10, 000.00 ang bawat isa sa mga ‘yon! Online ibinebenta ni Marian ang mga ‘yon. 

Actually, anim na piraso lang naman ang inilabas n’ya. Noong ikatlong araw, isa na lang ang natira. Bulalas nga ng ilang netizens na ikinagulantang ang bilis na mabenta ng mga damit ni Marian: “Wow, ang dami palang mapera sa Pilipinas. 

Inilunsad ni Marian ang mga idinisenyo n’yang damit sa pamamagitan ng  flower-shop-turned-lifestyle business n’yang Flora Vida.

“Comfy” dresses ang bansag ni Marian sa mga idinisenyo n’ya. At kaya  ganoon kamahal ang mga iyon ay dahil “made with OEKO-TEX-certified linen,” which means the fabric used was not made with  allergenic dyes, pesticides, heavy metals, and other harmful substances.

Kung gusto n’yong makita anng comfy dresses ni Marian, just log on to www.floravidabymarian.com 

The Kapuso entrepreneur says about her collection, “Inspired by my love for dressing up and comfortable classic silhouettes that Flora Vida clothing was born.

“This collection consists of well thought about pieces that you can wear for lounging or your day-to-day activities.

“I hope you enjoy this collection as much as I enjoyed doing it and I look forward to seeing how you will style your Flora Vida clothing pieces!”

Ang isa pang balita tungkol kay Marian ay ang deklarasyon n’yang payag siyang madagdagan ng isa pa ang dalawang anak nila ni Dingdong. 

Masipag na negosyante rin si Dingdong sa panahon ng pandemya kaya tiyak na hindi problema sa kanya na madagdagan pa ng isa ang mga anak nila. 

Hindi po buntis si Marian. Inia-announce lang n’ya na pwede pa silang magkaanak ni Dingdong.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …