Saturday , December 21 2024
Vivamax
Vivamax

Vivamax nasa US at Canada na!

MAS mararamdaman na ng ating mga kababayan sa US at Canada na para na rin silang nasa ‘Pinas dahil makakapag-subscribe na sila sa Vivamax, ang no. 1 Pinoy streaming platform.

Original Pinoy Entertainment ang mapapanood nila sa Vivamax, mula sa mga Pinoy blockbuster at classic, maging mga series, documentaries, at concerts. One to sawa at on demand ang panonood gamit ang kanilang mga smartphone, o sa TV sa pamamagitan ng pag-screencast gamit ang Chromecast o Apple AirPlay-compatible devices.

Paano nadarama ng ating mga kababayan sa America at Canada ang pagka-Pinoy? Maaaring sa pagkain ng lutong Pinoy o panonood ng Pinoy classic movies, at pagdating sa pelikula sa Vivamax sila mabubusog! Nasa Vivamax ang malawak na koleksiyon ng mga pelikulang tatak-Viva mula sa mga de-kalidad na artista gaya nina Eddie Garcia, Sharon Cuneta, Vilma Santos, Lorna Tolentino, Aga Muhlach, Robin Padilla, Sarah Geronimo, Cristine Reyes, Anne Curtis at marami pang iba.

Ang Vivamax din ang tahanan ng mga exclusive Vivamax Originals, mga bagong pelikula na rito lamang mapapanood. Kabilang na rito ang Philippine adaptation ng Korean hit na More Than Blue; Ang pagbabalik-pelikula ni Sharon Cuneta na RevirginizedAndrew E, Janno Gibbs and Dennis Padilla sa Sanggano, Sanggago, Sanggwapo; Ang pinag-usapang pelikula ni Direk Darryl Yap na Pornstar 1; ang beauty queen na si Cindy Miranda sa kanyang kapana-panabik na first leading role bilang Nerisa; the Unkabogable Vice Ganda’s Gandemic concert. Marami pang bago at eksklusibong Vivamax Original movies ang unang mapapanood tuwing Biyernes.

Makakapag-subscribe na ang mga Pinoy sa US at Canada mula USD 9.99/CAD 13.99 kada buwan. Para mas sulit, ang Vivamax, available rin sa mga sumusunod na plans– 3 months: USD 26.99 / CAD 34.99; 6 months: USD 49.99 / CAD 63.99; 1 year: USD 94.99 / CAD 119.99.

Ang Max 2 plans ay hanggang 2 users lamang ang makakapanood ng sabay.

Umabot na sa 1 million ang subscribers ng Vivamax 10 buwan lamang mula nang ito ay maging live, kaya naman ito na ang no.1 Pinoy streaming platform sa bansa. Ang Vivamax ay available na rin sa 21 bansa.

Ang Vivamax ay available to download na sa Apple App Store or Google Play Store.

About hataw tabloid

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …