Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Blind Item, Aktor magandang bakla, Mystery Man Gay

Aktor magandang bakla

HATAWAN
ni Ed de Leon

 “TALAGA namang maganda siyang bakla kahit na noong araw,” kuwento sa amin ng isang dating kaibigan ng isang gay male star ngayon, na siyempre ayaw magladlad. Ipinakita sa amin ang isang maikling video na nagsasayaw ang male star na ang suot ay ”short shorts,” at may ribbon pa sa ulo, at totoo naman ang sinabi niya. Magandang bakla nga ang male star.

Pero ang male star, natural ayaw nang umamin sa ngayon na siya ay may mahabang kapa. Ayaw na rin niyang aminin ang kanyang mga naging love affair noong hindi pa siya sikat, at bagets pa siya. Siyempre, nagkakaroon na ng pangalan eh, aaminin ba niyang bading siya at papayag siyang masira ang image niya ngayon?

Para sa artista kasi, mahalaga ang kanyang image, at lahat ay gagawin niya para bigyan iyon ng proteksiyon. Isa pa, iyong pagiging bading niya ay personal naman iyon. Basta ba nagagampanan niya ang role ng lalaki eh, ano ba ang problema niyon.

Hindi naman siya nagde-deny, pero sinasabi nga niya wala naman siyang inistorbong ibang tao, at ano nga ba ang pakialam ng ibang tao kung bakla man siya o hindi?

Dapat kanya-kanya na lang. Hayaan na lang natin siya kung ano ang hilig niya. Buhay naman niya iyon eh.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …