Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Janno Gibbs, Mang Jose

Janno Gibbs aminadong hirap na sa fight scenes

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

KUMITA nang husto ang Pagbabalik ni Pedro Penduko noong 1994 ni Janno Gibbs kaya nasundan ito ng Pedro Penduko:  Episode ll – The Return of the Comeback noong 2000.

Puwede pa sanang isa pang hirit ngayong 2021 ang hit movie na ito ni Janno pero hindi na kilala ng Gen Z si Pedro Penduko kaya binago na ang pangalan ng aktor para sa bago niyang super hero movie, siya na si Mang Jose.

Kuwento ni Janno sa virtual mediacon nila nina Mikoy Morales at Jerald Napoles nitong Miyerkoles, maganda ang quality ng pelikula.

Aniya, ”This was shot in 8k kaya very clear talaga ang quality nito. It’s great to be back in a super hero role after ‘Pedro Penduko.’ This is my new Pedro Penduko, Mang Jose. Ang ganda ng costume na highlight ng movie ‘yung costume talaga, it’s a scene stealer.

At dahil bago na ang kuwento ni Mang Jose ay paano ito maiintindihan ng Gen Z na target audience ng pelikula.

“Para dalhin sa bagong audience ngayon, we have a very young team behind us. Direk Rayn Brizuela is very young, he’s a lot younger than me, we have Mikoy and Jerald, the cinematographer is young, the scriptwriter is young,” paliwanag ni Janno.

Pero inamin ng aktor na nahirapan siya sa fight scenes niya dahil sa costume niya bilang si Mang Jose.

“Kasi mabigat, mainit plus ‘yung googles ko hindi ako masyadong makakita so doble ang hirap pagdating sa fight scene. Every scene na ulit-ulit (kinukunan), eh, para talaga akong naligo sa pawis. ‘Yung googles ko wala akong makita kasi shaded, so mahirap makipag-fight scene.

“Mayroon kaming isang stuntman na dapat mahuhulog sa building na babagsak sa mattress parang sumobra kasi sa ground siya nahulog pero okay naman siya medyo nabugbog lang,” pahayag ni Janno.

Since pangarap din naman ng lahat na magkaroon ng super powers ay natanong si Janno kung ano ang gusto niyang mayroon siya.

“Gusto kong super power talaga makalipad para hindi na ako ma-late sa set (shooting). Para kung mga 12 ‘yung call time kahit mga 11:40 lilipad na lang ako,” kaswal na sabi ng aktor.

Samantala, hiningan ng reaksiyon si Janno sa bago niyang super hero movie na kapag nakatulong sa mga nangangailangan ay may katumbas pala itong bayad.

“Napapanahon talaga sa pandemic na kailangan nating kumita. Lahat kailangang kumita. ‘Yung ibang politiko nga nababayaran, eh, super hero pa?” diretsong sagot ng aktor sabay inom ng kape.

Anyway, nakalahok na pala sa Bucheon International Fantastic Film Festival (BIFAN) sa South Korea noong July ang pelikulang Mang Jose at hindi rin ito ang unang pagkakataon na mapasama ang pelikula ni Direk Brizuela sa isang international film festival. Ang kanyang first feature film na Memory Channel (2016) ay nakapasok sa World Premiere Film Festival.

Mapapanood ang Mang Jose sa Vivamax sa Disyembre 24, Pamaskong handog sa buong pamilya ng Viva Films pero may advance streaming ito sa Nobyembre 17.

Bukod sa Pilipinas ay mayroon na ring Vivamax sa Middle East! Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can na for only AED35/month

Sa Europe, mapapanood na sa Vivamax sa halagang 8 GBP kada buwan. Nasa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, at New Zealand na rin ang Vivamax. Ngayong November 19, available na din and Vivamax sa USA at Canada.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …