Wednesday , December 18 2024
Vilma Santos

Ate Vi haharapin na ang pagdidirehe at pagpo-produce

HATAWAN
ni Ed de Leon

HAPPY birthday Ate Vi, ang “totoong artista ng bayan,” ang kauna-unahang sumira ng record sa takilya kaya siya ang “unang box office queen” at nailagay na nga sa hall of fame noon. Sa acting, lalong mahirap nang pantayan si Ate Vi. Hindi lang hall of fame, ” circle of excellence” pa ang naabot niya.

Sa public service, nakuha niya ang Lingkod Bayan award, ang pinakamataas na pagkikilalang maibibigay ng presidente ng Pilipinas sa isang opisyal na hindi military, at iyan ay sa rekomendasyon ng Civil Service Commission. Bukod doon, kamakailan, si Ate Vi ay idineklara ng Lunsod ng Maynila na kanilang “Artista ng Bayan at inspirasyon ng mga batang Manileno.” Ano pa nga ba ang mahihiling ni Ate Vi sa kanyang birthday ngayon?

“Mayroon pa rin. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil higit sa lahat walang tinamaan ng sakit sa pamilya namin. Ang mahihiling ko na lang sa Diyos ngayon ay sana matapos na itong pandemic na sobra nang nag­papa­hirap sa atin. Mai­wasan na nga ng buong Batangas, at ng buong Pilipinas ang ano pang dagok ng pandemya. Bagsak na kasi ang kabuhayan at hindi ka makapagsimula ng economic recovery dahil basta nagsisimula ka na, nauuwi sa panibagong lockdown.

“Sabi ko nga dapat suko na tayo at ipaubaya na natin sa Diyos ang susunod na mangyayari. Naniniwala akong hindi naman niya tayo pababayaan. Malungkot ang mga kuwento, maging iyong ilang kaibigan naming mga madre sa Carmel sa Lipa isipin ninyo, hindi na nga sila lumalabas nahawa pa. Kasi naman may nagpupunta sa kanila.

“Sa ngayon talaga kailangan ng ingat eh. Kailangan mabakunahan na lahat pati mga bata, at iyong social distancing kailangan talaga. Kailangan gawin natin iyan para makabalik na tayo sa normal na buhay,” sabi ni Ate Vi.

Ano ang plano niya sa showbiz?

“By June next year, hindi na ako congresswoman, masasabi kong artista na ako ulit. Sandali na lang naman iyon. Siguro makagagawa na ako ng pelikula. Pero ang talagang gusto ko namang gawin ngayon makapag- direhe na o makapag-produce kaya. Sa dami ng napa­panood ko, ang dami kong idea na hindi pa nila nagagawa.

“Kaya lang, kagaya ng iba wait and see rin tayong lahat sa industriya. Magbubukas pa lang ang mga sinehan, we will have to wait kung ano reaksiyon ng mga tao riyan. It seems hindi ready ang local industry. Wala tayong malaking pelikula kasi ang target lang nila mga internet movies. Kaya nga I was told, ang papasok daw puro mga foreign film. Pero alam mo naman tayong mga Pinoy, mabilis magtrabaho lalo ngayon na marami namang artista at mga crew na walang ginagawa.

“Tinitingnan ko ang possibilities kasi marami na tayong mga worker na matagal ng walang trabaho. Kaya naiisip ko mag-produce to generate jobs naman para sa mga kasama natin,” sabi pa ni Ate Vi.

Pero roon na muna tayo sa birthday ni Ate Vi ngayon. Sana maging maligaya siya hanggang sa darating pang mga panahon.

About Ed de Leon

Check Also

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB Inilabas na, angkop na klasipikasyon para sa siyam na pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SIYAM na pelikula—mula sa maaksiyon hanggang sa nakakaantig-ng-pusong mga istorya—ang …

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGWAGI ng apat na major awards ang pelikulang ‘Manang’ sa …

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5 ngayong Disyembre

NGAYONG Kapaskuhan, hatid ng TV5 ang ultimate Christmas saya sa isang star-studded Christmas extravaganza at bagong updates …

Vic Sotto Piolo Pascual Kingdom

The Kingdom nakae-excite, maraming matututunan  

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAGASTOS ang The Kingdom, dahil pawang malalaki ang eksena at locations. Hindi …