Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carl Balita

Dr. Carl Balita handa na sa senado, 3K Agenda isusulong

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

KALUSUGAN, Kabuhayan, at Karunungan. Ito ang tatlong isusulong  ni Dr. Carl Balita kapag pinalad siyang maging senador sa 2022 elections.

Si Dr. Carla na nakilala sa kanyang DZMM TeleradyoRadyo Negosyo ay tumatakbo sa pagka-senador sa ilalim ng partido ni Manila Mayor Isko Moreno na kumakanditatong pangulo ng Pilipinas.

Sa pakikipag-usap namin kay Dr. Carl, sinabi niya ang mga dahilan ng pagsabak niya sa politika, ang maisulong ang kanyang 3K Agenda—Kalusugan, Kabuhayan, at Karunungan.

“These are the three areas of our pandemic crisis, and I am offering myself to address these with my experience, educational expertise and network,” sambit niya.

Nais din ni Balita na gumawa ng mga batas na makatutulong sa entertainment industry lalo na sa mga production staff at employees at sa maliliit na negosyante tulad ng mga baguhang producers.

Hindi naman iba ang showbiz kay Dr Carl dahil nakapag-produce na siya ng dalawang advocacy film, ang Nars ni Adolf Alix (2007) na pinagbidahan nina Jaclyn Jose, Jennylyn Mercado, Jodi Sta Maria, Agot Isidro, Jon Avila, Jay Manalo,  Alan Paule, at Coco Martin.

Sumunod ang Maestra ni Lem Lorca (2017) at pinagbidahan nina Angeli Bayani at Gloria Sevilla na umani ng awards hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.

“I produced these films with my intention to improve the public appreciation of these professions, which most of the time are ignored,” ani Balita na parehong may koneksiyon sa kanyang propesyon ang tema ng mga pelikula. Bukod sa pagiging Nurse-Midwife, isa rin siyang licensed teacher at may doctoral degrees in Humanities and Education.

Bukod sa pelikula, nakapag-produce na rin siya ng inspirational album, ang iDream na collab nila nina Isay Alvarez at Robert Sena.Nasa album na ito ang mga kanta nina Jamie Rivera, Jenine Desiderio, Luke Mijarez, Raymond Lauchenco, Bituin Escalante, Karylle, Agot Isidro,at Arthur Manuntag.

Naging co-producer din siya ng restaging ng KATY: The Musical bilang partner ng Spotlight Artists Centre.

Sa malasakit ni Dr Carl hindi lamang sa kung saan siya may expertise, hindi nakapagtataka kung nagpahayag ng suporta sa kanyang pagtakbo  ang kapitbahay niyang si Coco Martin.

Aniya, natutuwa ang aktor sa desisyon niyang kumandidato.

Bukod kay Coco, nagpa-abot din ng suporta sina Dulce at Vehnee Saturno  na handa siyang tulungan sa kanyang kampanya sa pamamagitan ng paggawa ng campaign jingle.

Sa kabilang banda, inamin ni Balita na nagdalawang-isip din siya sa pagtakbo bilang senador pero dahil sa paliwanag at pagkumbinse sa kanya ni Yorme at pakikipag-usap niya sa kanyang pamilya, napagdesisyonan niyang tumakbo.

“As more and more people from the different sectors to which I belong pushed me to do this, I realized na ‘yun palang boundary ng arrogance at humility is just a thin line. When people tell you that you are their best bet in government and you say ‘no,’ I feel arrogant. But when I said ‘yes,’ then I felt humble. I prayed to God and asked him for signs. One of the most compelling signs is the support of all these sectors I talked about. They have very concrete plans on how to make me win.

Pero ang talagang nakapagpakumbinse sa kanya para tumakbong senador ay ang sinabi ni Yorme. Carl, hindi kita pipilitin, pero I’d like to tell you I have very few senatorial slots and one of them belongs to you.’ After talking to me, he talked to my wife and children. Ang words niya sa mga anak ko ay, ‘Mga anak, hiramin ko lang ‘yung tatay niyo ng six years. May aayusin lang kami sa gobyerno para sa inyo.’ That very moment, he softened the heart of my family and they gave me their blessing na tumakbo. I felt duty-bound to take the plunge. That’s why I’m here, and why I am now asking for the public’s support as a choice and for a chance to serve them,”  paliwanag pa ni Dr. Carl.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists inanunsyo

IPINAKILALA na ng  Puregold CinePanaloang Top 20 student short films na napili mula sa 267 entries …

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle may mga bagong kalaban sa bagong yugto ng Roja 

PATULOY na sinusubaybayan ng mga manonood ang Roja, na umeere sa ALLTV2,  A2Z, Kapamilya Channel, at online na nakamit …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo dapat seryosohin pagiging dramatic actor

RATED Rni Rommel Gonzales BIDA sa Spring In Prague sina Paolo Gumabao at ang Macedonian actress na si Sara Sandeva. …