Saturday , April 26 2025
PSC, PSI, NSCCC

300 coaches nakinabang sa PSC’s sport-specific lectures

NAKATANGGAP ang 300 partisipante  ng online sports specific lectures sa athletics, badminton, at volleyball sa  Philippine Sports Commission’s National Sports Coaching Certification Course (NSCCC) nung Huwebes.

Ang proyekto sa ilalim ng Philippine Sports Institute’s (PSI’) Sports Education and Training Program, ang NSCCC ay may layong magbigay ng oportunidad para sa pagpapatuloy ng kaalaman at skill building para sa coaches bilang parte ng  isang unified national grassroots sports program sa bansa.

“We wanted to elevate the learning experience of these participants, who previously passed the Level 1 Sports Science Lectures conducted from July 2020 to June last month,” sabi ni  PSI Grassroots Program Head Abby Rivera.

Ang dalawang araw na lectures para athletics, badminton, at volleyall ay sabay-sabay na binuksan  ni PSC Commissioners Ramon Fernandez, Celia Kiram, at Charles Maxey, ayon sa pagkakasunod, via Gooble Meet. 

Ang PSC-PSI ay napili ang expertise nina Coach Roselyn Jamero at Coach Joseph Sy (athletics), Coach Bianca Carlos at Coach Rjay Ormilla (badminton), at Coach Jerry Yee (volleyball), para magbigay ng high-quality lectures sa pamamagitan ng synchronous at asynchronous learning methods.  Nagkaroon ng examinations pagkaraan ng lectures.

Dagdag ni Rivera  na, “passers to be granted Level 1 accreditation on these sports specific lectures will be moving on to Level 2.”

Nung Pebrero, may 180 partisipante mula sa iba’t ibang siyudad at munisipalidad mula Luzon ay nakatanggap ng Level 1 Sports Science online lectures on Sports Philosophy, Sports Pedagogy, Sports Psychology, Sports Physiology, Talent Identification, at  Sports Ethics.

About hataw tabloid

Check Also

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ …

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang …

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw …

AVC Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

AVC: Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

NANAIG ang Kaoshiung Taipower ng Chinese, Taipei, 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 kontra Petro Gazz Angels sa 2025 …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …