Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Adrian Alandy, Kylie Verzosa,  Cindy Miranda, Marco Gumabao

CINDY SA PAGKAWASAK SA PAG-IBIG — Ang hirap kailangan mong saktan ang sarili mo

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

SA apat na bida ng My Husband, My Lover na sina Kylie Verzosa, Adrian Alandy, Cindy Miranda, at Marco Gumabao, ang loveless na si Cindy lang ang nakare-relate sa karakter niya bilang babaeng niloko ng dyowa.

Ito ang inamin niya sa virtual mediacon ng bagong pelikula ng Viva Films na mapapanood sa Nobyembre 26 sa Vivamax mula sa direksiyon ni Mac Alejandre.

“Ako lang yata ang nakare-relate sa karakter ko rito kasi kailangan kong hukayin kung anong nangyari in the past. So, ang hirap kasi kailangan mo uling saktan ang sarili mo.

“Ang karakter ko kasi rito ay very strong ang personality pero deep inside, wasak talaga. Sobra ‘yung pagmamahal niya sa taong ‘yun na ginawa niya lahat as in lahat.

“Alam mo ‘yung sobrang talino niyang tao pero pagdating sa love ‘yun (mahina),” tila naiiyak na kuwento ng dalaga.

Kaya sundot na tanong ni Adrian, ”Nangyari na sa iyo sa totoong buhay ito, Cindy?”

At dahil mukhang bibigay na ang aktres ay nagkatawanan ang tatlong kasama niyang sina Kylie, Adrian, at Marco at nakitawa na rin siya.

Sa pagpapatuloy ni Cindy, ”Sobrang talino mo ganoon.  Sa love, puso mo talaga ‘yung gumagana na wala namang problema roon ‘di ba kasi kapag nagmamahal naman tayo dapat naman ibigay natin lahat, ‘di ba?

“’Yun nga hindi ka masuklian sa pagmamahal mo pero masakit pa rin kasi sana mahal ka rin niyong taong mahal mo kasi ready ka talagang ibigay lahat.

“‘Yun ‘yung karakter ko na ang sarap i-play pero siyempre masakit kasi maalala mo, at ‘yun nga naalala ko ‘yung nangyari sa akin before.”

Ang sunod na tanong ay kung kaya niyang mag-forgive sa taong mahal niya kapag niloko siya.

“Sagi (Sagitarius) kasi ako, nabanggit ko lang. Ang sagi kasi ay very optimistic na tao so, kahit nasasaktan, may mga nangyaring hindi maganda sa kanya o niloloko siya ng ilang beses.

“Optimistic na tao na mabilis mag-move on o mag-forgive ng tao, so I think ‘yun nga ang nangyari sa past relationship ko,” sambit pa ng aktres.

Pero hindi niya sigurado na ang susunod niyang karelasyon ay ganoon pa rin siya, na matatanggap niya kapag niloko siya.

“Hindi ko sure kung sa next relationship ko kung ganoon pa rin ako or maybe wiser ako sa next relationship ko, I hope of course kasi sino ba naman ang gustong magmahal ng hindi ka minamahal, ‘di ba?” pahayag ni Cindy.

Dagdag pa, ”Kahit po mabilis kaming mag-forget sana ‘yung mga susunod ‘wag n’yo naman kaming lokohin.”

Mismong si Marco na ang nanawagan na kung sino man ang susunod na maging boyfriend ni Cindy ay sana hindi na siya lokohin at masuwerte ang lalaking mamahalin ng aktres dahil ito na rin ang gusto niyang makasama hanggang huli.

Anyway, bukod sa VIVAMAX Philippines ay mapapanood din ito sa Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East, at Europe sa Nobyembre 26.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists

Puregold CinePanalo 2026 Top 20 Student Shorts finalists inanunsyo

IPINAKILALA na ng  Puregold CinePanaloang Top 20 student short films na napili mula sa 267 entries …

Than Perez Kathryn Bernardo

Baguhang aktor biggest crush si Kathryn 

MATABILni John Fontanilla HEAD over heels ang pagka-crush ng newbie actor na si Than Perez kay Kathryn Bernardo. …

Coco Martin Aljur Abrenica

Coco malaking blessing kay Aljur 

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING na blessing sa kanyang buhay ang actor/producer at direktor na si Coco …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle may mga bagong kalaban sa bagong yugto ng Roja 

PATULOY na sinusubaybayan ng mga manonood ang Roja, na umeere sa ALLTV2,  A2Z, Kapamilya Channel, at online na nakamit …

Paolo Gumabao Spring In Prague Sara Sandeya 

Paolo dapat seryosohin pagiging dramatic actor

RATED Rni Rommel Gonzales BIDA sa Spring In Prague sina Paolo Gumabao at ang Macedonian actress na si Sara Sandeva. …