Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Isko sa IATF:
ASUNTO VS DENR EXECS SA DOLOMITE BEACH ‘SUPERSPREADER’ EVENT

102721 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

NANAWAGAN si Manila Mayor Francisco “Isko” Moreno” Domogoso sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na sampahan ng kaso ang mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa paglabag sa health protocols sa pagbubukas sa publiko ng Manila Bay dolomite beachfront.

“Ang ironic kasi riyan, sila ‘yung nagpapatupad, sila rin ‘yung lumalabag. Now I’m challenging agencies of government under IATF to file charges in violation sa mga kapwa nila,” ani Moreno sa panayam sa Headstart sa ANC.

Inulan ng batikos ang DENR sa nakalipas na mga araw nang payagang dumagsa ang libo-libong katao sa dolomite beachfront na pinangangambahang magdulot ng muling pagtaas ng kaso ng CoVid-19.

Ayon kay Isko, hindi inabisohan ng DENR ang Manila city government nang buksan ng kagawaran ang dolomite beachfront sa publiko.

“If we cannot implement it within our offices, then there’s no point in implementing it sa mga taongbayan. Pinahihirapan natin ang taongbayan, pero ang unang naglalabag ay tayo rin sa national government. It doesn’t make sense,” sabi ni Isko.

Ipinauubaya ng Malacañang sa Department of Interior and Local Government (DILG), Manila City government at Philippine National Police (PNP) ang pagsasampa ng kaso laban sa mga opisyal ng DENR.

“Hinahayaan na po namin ‘yan sa DILG ‘no at sa ating pulisya ‘no kasama na po ang lokal na pamahalaan ng Maynila,” pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque.

Sinabi ni DENR Undersecretary Jonas Leones, makikipag-ugnayan ang kagawaran kay Isko kaugnay sa isyu.

Simula kahapon ay nilimitahan ng DENR ang bilang ng mga pumapasok sa dolomite beach at ipinagbawal ang may edad 12-anyos pababa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Nartatez PNP

PNP sa Ilalim ni Chief Nartatez: Disiplina, Aksyon, at Kongkretong Resulta

Sa larangan ng pagpapatupad ng batas, hindi nasusukat ang pamumuno sa dami ng sinasabi o …

Grab LTFRB

Grab PH respetado utos ng LTFRB 50% bawas sa pasahe ng TNVS

IGINAGALANG  ng Grab Philippines ang utos ng pamahalaan na bawasan pansamantala ng 50% ang pasahe …

American Bully Dog Kobe

Valenzuela LGU kinondena karumal-dumal na pagputol sa dila ng American Bully

GALIT at bibigyan ng hustisya ng Valenzuela local government unit (LGU), maging ang may-ari ng …

Patas na pasahe para sa TNVS drivers at pasahero

IKINABAHALA ng TNVS Community Philippines ang Memorandum Circular ng LTFRB na nagbababa sa surge pricing …

John Christopher Cabang SEAG

Unang ginto sa athletics ng Pilipinas, nakuha ni Tolentino sa record run

BANGKOK — Binura ni John Cabang Tolentino ang Southeast Asian Games record at ibinigay ang …