Thursday , December 19 2024
Sean De Guzman, Mahjong Nights

Sean okey maging boytoy…pero sa pelikula lang

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

KUNG dati ay maganda ang mga ngiti ni Sean De Guzman kapag narinig ang pangalan ni AJ Raval, nag-iba ito na sa ginanap na virtual mediacon ng pelikulang Mahjong Nights nitong Huwebes ng tanghali kasama sina Angeli Khang at Jay Manalo mula sa direksiyon ni Law Fajardo.

Natanong si Sean kung ano ang masasabi niya ngayon sa relasyong Aljur Abrenica at AJ. Pareho kasing kinikilig ang dalawa sa mediacon ng una nilang pelikulang Taya na sinundan ng Nerisa.

“Para sa akin po, I’m happy naman para sa kanilang dalawa kung anuman ‘yung status nilang dalawa,” kaswal na sagot ng binata na hindi na dinugtungan pa.

Sabagay, wala rin naman puwedeng sabihin na si Sean dahil nga nagsisimula palang sana ang maganda nilang tinginan ni AJ lalo’t nagkakatuksuhan na sila sa isa’t isa pero hanggang pelikula lang pala.

Anyway, mas magandang asikasuhin muna ng binata ang kanyang career lalo’t sunod-sunod ang pelikula niya sa Viva Films, huh.

Sa pelikulang Mahjong Nights ay boytoy ang karakter ni Sean.  Kaya natanong kung saan siya nahirapan maging anak ng Macho Dancer o maging boytoy.

Dito po sa ‘Mahjong Nights’ abangan po nila kung bakit ako tinawag na Boytoy, siguro mas mahirap siguro ‘yung sa ‘Macho Dancer’ kasi unang-una ‘yun ‘yung first lead role ko lahat ng kaba nararamdaman ko po.

Mas nadalian ako rito sa ‘Mahjong Nights’ may mga experience na rin po ako sa acting at daring scenes po,” esplika ng aktor.

Pero alam ni Sean ang ibig sabihin ng boytoy.

“Opo.  Alam ko naman ‘yun at okay lang sa akin sa karakter ko, pero sa personal hindi,” natawang sagot ng binata.

Anyway, bukod kina Sean, Angeli, at Jay, kasama rin sa Mahjong Nights sina Mickey Ferriols, Arnel Ignacio, Maricel Morales,at dating PBB housemate na si Jamilla Obispo.

Mapapanood ang pelikula sa November 12 sa streaming online na Vivamax Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East, at Europe.

About Reggee Bonoan

Check Also

Lala Sotto MTRCB

MTRCB Inilabas na, angkop na klasipikasyon para sa siyam na pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SIYAM na pelikula—mula sa maaksiyon hanggang sa nakakaantig-ng-pusong mga istorya—ang …

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGWAGI ng apat na major awards ang pelikulang ‘Manang’ sa …

Vic Sotto Piolo Pascual Kingdom

The Kingdom nakae-excite, maraming matututunan  

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAGASTOS ang The Kingdom, dahil pawang malalaki ang eksena at locations. Hindi …

Francine Diaz Seth Fedelin FranSeth My Future You

FranSeth movie mahigpit na lalaban sa Gabi ng Parangal

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PINAG-UUSAPAN ang ganda ng pagkakagawa ng My Future You na entry ng Regal Films sa Metro …

Francine Diaz Seth Fedelin FranSeth My Future You

FranSeth pinuri sa My Future You, kikilalaning big star/loveteam sa 2025

I-FLEXni Jun Nardo NA-MISS namin ang premiere ng Regal’s MMFF movie na My Future You nina Francine Diaz at Seth Fedelin last Monday …