I-FLEX
ni Jun Nardo
PINAYAGAN nang magbukas ang mga sinehan sa lugar na nasa Alert Level 3 simula October 16-31 ayon sa reports.
Umaaray na kasi ang Cinema Exhibitors Association of the Philippines sa bilyones na nalulugi sa pagsasara ng mga sinehan nitong pandemya.
Good news din ito sa mga producer lalo na’t nalalapit na ang annual Metro Manila Film Festival.
Eh mahikayat naman kaya ang moviegoers na pumasok sa mga sinehan ngayong marami rin ang nawalan ng trabaho?
Nagkalat na rin ang streaming platforms na mas mura ang admission fee kaysa mga sinehan kaya may mangahas pa kayang producer na gumawa ng movies na milyon ang halaga mailabas lang sa mga sinehan?