Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rita Avila

Rita binanatan si Yorme, tinawag na Gollum

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

SA panahong ito napupulsuhan ang ugali ng mga tao sa pamamagitan ng mga komento nila sa mga bagay-bagay.

Nangangamoy na ang away kina Rita Avila at ng tatakbo sa pagka-Pangulong si Isko Moreno.

Patola na rin si Rita sa mga pahayag ni Yorme sa kanyang opinyon sa makakatunggali niya sa halalan na si Leni Robredo.

Matindi ang banat ni Seiko baby.

“Ang babaw Yorme. ‘Yan lang ang kaya mong isipin at sabihin? Kung hindi mo makita ang buti sa mga sinabi ni VP, kakahiya ka naman.

“Maganda nga ang sinabi tungkol sa ‘yo ni VP Leni. At ikaw din maganda sinabi mo sa kanya noong nakaraan. After a few days ganyan ka na? Gollum lang? Paiba-iba ng mukha at sinasabi?

“At yellowtards pa talaga ha? Ako nga ayoko ‘pag tinatawag ang mga DDS ng Dutertards kasi ‘di naman dapat magpakababa ng pagkatao by calling them that just bec DDS sila. Tao pa rin sila. 

“Pasensya na ha? Pero salamat sa pagpapakita mo ng kulay.

#mayoriskomoreno #dds #VPLeni #DapatsiLeni TALAGA ang mga hashtag ni Rita.

Rito na magsisimula ang pagkakawatak-watak ng mga tao sa industriya ng pelikula. 

Wala namang masama sa kung sino ang piliin ng bawat isa. Pero sana hindi umaabot sa ganitong palitan ng masasama at maaanghang na salita. Na nagkaka-personalan na.

Gollum? Gusto kong matawa.  .

‘Pag ganyan batuhan na ‘yan mga insultuhan kapag laon.

Kanya-kanyang choices nga. Kung may rason, sabihin sa magandang paraan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …

Amok na pasabero sugatan sa boga ng nagrespondeng airport police

BIINARIL ng mga pulis ang isang 54-anyos guwardiya nang manlaban sa inspeksiyon at tinangkang saksakin …

MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO 6 pulis sa robbery holdup

Sa pagkakasangkot ng 6 pulis sa robbery/holdup
MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO

ni Niño Aclan SINIBAK sa puwesto ang chief of police (COP) ng Manila Police District …

No Firearms No Gun

Gunrunner timbog sa entrapment operation

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang indibidwal na sangkot sa ilegal na bentahan …