Friday , November 22 2024
Bayaning Tsuper partylist, BTS

Bayaning Tsuper partylist naghain ng CONA para sa Halalan 2022 (Transport groups sumuporta)

NAGHAIN ang Bayaning Tsuper (BTS) partylist ng kanilang certificate of nomination and acceptance (CONA) para sa darating na halalan sa 9 Mayo 2022, nitong Biyernes, 8 Oktubre.

Adbokasiya ng BTS partylist ang pagkakaroon ng konkretong panuntunan sa kaligtasan sa kalsada, pagpapalaganap ng kaalaman ukol dito, at pagkakaroon ng kamalayan ng stakeholders para sa kanilang kapakanan.

Ayon kay Atty. Aminola Abaton, first nominee ng BTS, dapat bigyang boses ang adbokasiya para sa road safety sa Kongreso.

“Road safety governance has not been treated fairly in terms of legislation. To date, the country lacks comprehensive, integrated, and responsive laws to specifically and effectively address issues, as well as to serve as basis for the institutionalization of road safety initiatives which has led to the senseless of lives and property on our streets. The BTS aims to fill this gap,” pagbibigay diin ni Atty. Abaton.

Binubuo ang BTS ng mga opisyal ng road safety advocates na itinatag noong 5 Hunyo 2019.

Simula nang pagkakatatag nito, itinaguyod ng BTS ang pambansang road safety governance, nagsagawa ng capability-building activities, at paglikha ng livelihood opportunities at mga ugnayan sa pagitan ng stakeholders lalo sa marginalized transport groups na lubhang apektado ng pandemyang CoVid-19, at iba pang isyung sumasaklaw sa industriya ng transportasyon.

Ani Atty. Abaton, determinado silang ipagpatuloy at palakasin ang kanilang road safety advocacy sa Kongreso.

Kaugnay nito, nagpahayag ng suporta ang ilang transport groups para sa pagtakbo sa halalan ng Bayaning Tsuper partylist.

Upang maipakita ang kanilang suporta, sumama ang ilang lider ng transport groups sa mga kinatawan ng BTS sa kanilang paghahain ng CONA sa Commission on Elections (COMELEC).

“Ngayon lang, sa panahon pa ng pandemya, nagkaisa ang hanay ng transport groups upang sumuporta sa isang party-list dahil naniniwala kami sa adbokasiya nito na gawing ligtas ang ating mga daan, para sa amin at sa aming mga pasahero. Malaking bagay ito para sa aming hanay. Kaya handang-handa kaming sumuporta sa Bayaning Tsuper upang mailuklok ang tatlong representative nito. Panahon na para magkaroon ng boses para sa ligtas na kalsada sa Kongreso,” pahayag ni Pasang Masda President Obet Martin.

Bukod kay Martin ng Pasang Masda, sumama rin bilang pagsuporta sa BTS sina Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas, Inc., (LTOP) President Orlando Marquez, Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP) President Ricardo “Boy” Rebano, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of The Philippines (ALTODAP) President Boy Vargas, at National Federation of Transport Cooperatives (NFTC) General Manager Medel Afalla.

About hataw tabloid

Check Also

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …