Monday , November 25 2024

‘Davao made’ na depensa ihahatag sa ICC (Sa crimes against humanity vs Duterte)

100521 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO

GAYA sa isang paltik na kalibre. 45 baril na ginamit sa maraming putukan, babalik sa kanyang lungga sa Davao City si Pangulong Rodrigo Duterte pagbaba sa puwesto sa Hunyo 2022, para paghandaan ang kanyang depensa sa imbestigasyon ng International Criminal Court sa (ICC) sa isinulong niyang madugong drug war.

        Ang Davao ay kilala sa paggawa ng mga paltik na kalibre .45, na kapag sumablay ay muling ipapanday upang ayusin ang kalibrasyon.

Inamin ng Pangulo, ayaw ng publiko na manatili siya sa politika at ang gusto umano ay umuwi na lang siya sa Davao City.

Batay sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey, tatlo sa limang Pinoy ay naniniwala na ang 2022 vice presidential bid ni Duterte ay labag sa intensiyon ng 1987 Constitution.

“Ayaw nila ako maglaro pa ng politika. Gusto nila umuwi na ako sa Davao, at maghintay ako sa maraming dada nang dada diyan ng kaso,” aniya sa kanyang Talk to the People kagabi.

“Hintayin ko kayo. I will prepare for my defense. ‘Yung ICC na ‘yan. ‘Wag lang kayong magsinungaling. Tutal may record naman. ‘Wag lang kayong mag-imbento na ‘yung namatay ng malaria riyan, ita-charge ninyo sa akin. Kalokohan na ‘yan,” dagdag ni Duterte.

Ngunit kinontra rin niya ang sarili nang igiit na hindi siya makikipagtulungan sa ICC.

“May sarili kaming judicial system dito. ‘Wag kayong makialam. Saka sinabi ko, you never acquired jurisdiction over my person,” sabi niya.

Noong nakaraang buwan, pinagbigyan ng Pre-Trial Chamber ang hirit ng ICC Prosecutor na isulong ang imbestigasyon sa Duterete drug war mula Hulyo 2016 hanggang 16 Marso 2019 habang miyembro pa ng Rome Statute ang Filipinas.

Binigyan diin ng administrasyong Duterte na walang hurisdiksiyon ang ICC sa bansa dahil umalis na bilang kasapi ng Rome Statute na lumikha sa ICC.

Nauna rito’y sinabi ni dating ICC Judge Raul Pangalangan, may hurisdiksiyon ang ICC sa mga krimen na naganap habang ang Filipinas ay kasapi pa ng Rome Statute.

“Investigations can be done via online video mechanisms,” aniya.

Puwedeng kilalanin ng ICC ang mga pahayag ng mga testigo para maging bahagi ng record upang maitaguyod ang sapat na batayan para maghain ng mga kaso laban sa mga akusado.

“The case and the investigation can move forward without the cooperation of the state. Because the only issue is whether there is enough evidence to support an indictment,” ani Pangalangan.

“If that evidence is secured locally by witnesses who stepped forward within the Philippines and that evidence is sent on to The Hague, it will be available to support an indictment.”

Nauna rito’y inihayag ni Commission on Human Rights (CHR) Commissioner Karen Dumpit na makikipagtulungan ang komisyon sa imbestigasyon ng ICC kahit ayaw ni Pangulong Duterte.

Para kay Atty. Ruben Carranza, isang international law expert, ang mga pahayag ni Pangulong Duterte na “I will kill you” sa mga drug suspects ay puwedeng maging pruweba laban sa kanya sa ICC.

Kailangan aniyang ikonsidera ang mga resulta o mga nangyari matapos maglabas ng ganitong mga pahayag ang Pangulo at kahit itanggi pa ng Malacañang ay hindi mabubura ang katotohanan na sinabi ito ng Punong Ehekutibo.

“Incitement to crimes versus humanity is not a crime under Rome Statute, incitement that leads to killing is. These statements contributed to that may constitute indirect co-perpetrators by those who make the statement,” aniya.

About Rose Novenario

Check Also

23 lumabag sa batas timbog sa Bulacan

23 lumabag sa batas timbog sa Bulacan

NASAKOTE sa walang humpay na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng ang 23 indibidwal na …

PNP PRO3 Solar-powered blinker police outposts stations

Police visibility, accessibility pinaigting ng PRO3
Solar-powered blinker ipinalagay sa lahat ng police outposts at stations

SA PAGPAPAIGTING ng police visibility at accessibility, naglabas ng direktiba si PRO3 Director P/BGen. Redrico …

Miss Universe Philippines 2024 Chelsea Anne Manalo, hinirang bilang Natatanging Kabataang Bulakenyo

LUNGSOD NG MALOLOS – Iginawad ang prestihiyosong Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award kay Chelsea Anne …

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …