Sunday , December 22 2024
Carlo Biado, 9-Ball, Billiards

Biado sasargo sa Abu Dhabi Open 9-Ball Championship

PANGUNGUNAHAN ni Carlo Biado ang listahan ng Filipino players na sasargo sa Abu Dhabi Open 9-Ball Championship na tutumbok sa 8-11 Nobyembre 2021  sa Power Break Billiard Hall sa Abu Dhabi, United Arab Emirates.

Malaki ang tiwala ni Biado, isa sa Pinoy cue artists ang makasusungkit ng kampeonato.  

Kamakailan, itinanghal na kampeon sa US Open 9-Ball Championship si Biado.

Kasama niyang tutumbok  sa prestihiyosong torneo sina Roland Garcia, Armando ”Agila” Cagol, Demosthenes Pulpul, Jordan Bañares, Jayson Nuguid, Ivan Maluto, Harry Vergara, Arnel Bautista, Oliver Medenilla, Mac Kalagayan, Bong Sotero, at Kyle Amorato.

Lalahok din sa nasabing event  ang UAE Team, Saudi Team, Qatar Team, Kuwait Team, Iran Team, at Oman Team. Kung sino man ang magkakampeon ay tatanggap ng 20,000 AED (United Arab Emirates dirham).

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …