Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mystery Man

Ayaw sa matatandang artista

HATAWAN
ni Ed de Leon

EWAN pero masakit sa tenga namin iyong statement na “pandemya na nga matatandang artista pa ang kukunin ko.” Hindi naming inaasahang makaririnig ng ganoong statement.

Una, ang mga may edad na artista natin ay hindi naman natin maikakailang mas mahuhusay kaysa mga bago. Siguro nga lang, iyong sinasabi nilang mga bago at batang mga artista, mas malalakas ang loob at matitibay ang apog na ilabas maging ang kanilang mga “private parts” sa mga pelikula nilang inilalabas sa internet. Kaya nga may ayaw na ayaw na ipadaan sa MTRCB iyang mga pelikulang ipinalalabas sa internet dahil mapipigil ang buyangyangan ng mga private part ng mga bagong artista nila.

Iyang mga bagong iyan, matawag lang na artista, sige buyangyang ng kanilang mga ari-arian, at hindi na iniisip kung saan sila pupulutin kung dumating ang panahon na hindi na kailangang mamboso ang kanilang audience. Ano ba ang naging buhay ng mga artista na nagbuyangyang ng ari noong araw? Ano ang nangyari roon sa mga gumawa ng mga gay indie? May pelikula pa ba?

Basta naipakita mo na kung ano ang nasa gitna ng singit mo, ano pa ang isusunod mo?

Alam namin may magre-react at may magagalit, pero sinasabi nga namin, hindi kami tumatangkilik, o nagsusulat man lang ng tungkol sa mga ganyang artista at pelikula, dahil naniniwala kami na iyan ay exploitation.

Ano pa ang kaibahan ng mga pelikulang ginagawa nila ngayon sa mga toro-torong napapanood sa GOP sa Malate noong araw? Sabi pa nga ng isang matanda na ring gay, iyong pelikula nila ay gaya ng mga show noon sa “Tunga.” Nang tanungin namin kung ano iyong Tunga, isa raw palang maliit na gay bar sa may Paco noong araw na may toro-toro ng mga lalaki at bakla. May sinasabi pa silang Monokel, na ang may-ari raw ay isa ring artista.

Ngayon kung malakas ang loob na maghubad ng mga artista ninyo kaya ganyan ang sinasabi ninyo, pero masasabi ba ninyo iyan noong gumagawa kayo ng pelikula na ang mga bida ay ang mga magagaling na aktres na kagaya nina Nora Aunor o Vilma Santos? Hindi ba sa record ang mga kumitang pelikula ni direk ay si Nora, o kaya ay si Vilma ang star?

Mariringgan kaya ng ganyan kabagsik na comment ang mga national artist na sina Lino Brocka o Ishmael Bernal?

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …