Thursday , November 21 2024
Pharmally, China, C-130, Navy ship

Duterte swak sa ‘pinaborang’ Pharmally deal (Sa pagpapagamit ng C-130 at)

092721 Hataw Frontpage

MAY BASBAS ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang pagpabor ng gobyerno sa Pharmally Pharmaceuticals Corporation kaya pina­yagan gamitin ang barko ng Philippine Navy at C-130 plane ng Philippine Air Force (PAF) para kunin sa China ang medical supplies na ibinenta sa kanyang administrasyon.

Ito ang patutunayan ng Senado na taliwas sa mga naging pahayag ni Pangulong Duterte na walang mali sa pag­gawad ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM) ng P8.7 bilyong medical supplies contract sa Pharmally noong nakaraang taon. 

“Pagka napatunayan namin ito, dagdag senyales na involved si President sa ganitong pagpapabor sa Pharmally kompara sa ibang kompanyang Filipino na mas may ‘k’ mag-procure ang PS-DBM to the point na pati ang ating C-130 at barko ng Filipinas ay ginamit para kunin ang supplies na ito,” ani Sen. Risa Hontiveros sa panayam sa DZMM Teleradyo.

“Klarong ‘di talaga sila puwedeng mag­dahilan na everything was by the book, walang maling nangyari d’yan.”

Sa kanyang Talk to the People noong Miyerkoles, inamin ni Pangulong Duterte na pinahintulutan niya ang paggamit sa C-130 para sa delivery ng pandemic supplies mula sa China.

“I said, ‘Use any means you want. Deliver it by land, water, or air.’ I gave the order because I want it to be done quickly,” anang Pangulo.

Nauna nang kinom­pirma ng isang PS-DBM official na ginamit ang mga barko ng Philippine Navy para kunin sa China ang medical supplies ng Pharmally.

Mula nang magsimu­la ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ay naging bisyo ni Pangulong Duter­te ang atakehin ang mga senador na nagsisiyasat sa Pharmally deal.

Mistulang abogado rin siya ng mga per­sonalidad na sangkot sa usapin gaya nina dating PS-DBM chief Lloyd Christopher Lao at dating presidential economic adviser Michael Yang.

Kaugnay nito, iti­nanggi ni Presidential Security Group commander Col. Randolph Cabangbang na binibigyan proteksiyon ng PSG si Yang na nananatili sa Dusit Hotel sa Davao City.

“Personally, I do not know Michael Yang. I do not know his where­abouts, and definitely, no PSG personnel is securing him,” pahayag ni Cabangbang kahapon.

(ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *