Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angel Arcega

Angel Arcega, game mag-topless sa pelikula

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

BATA pa lang ay wish na ng newbie actress na si Angel Arcega ang makapasok sa showbiz. Kaya naman itinuturing niyang malaking blessing sa kanya ang papirmahin ng kontrata sa Viva.  

Saad ni Angel, “Yes po, bata pa lang ay gusto ko na talagang mag-artista. Pero nalinya kasi ako before sa pagiging freelance model at pagsali sa beauty pageant. At nagbusiness po ako ng nail spa, salon, at massage spa. Hanggang ngayon active po ito sa Kawit, Cavite area, apat po ang branch niya.

“Kaya yung pagpasok ko sa pagiging artista at pagsign-up sa akin ng Viva ng three years contract, is malaking opportunity po sa akin.”

Ano na ang mga project na nagawa niya, so far?

Tugon niya, “My bit part po ako sa movie na Deception, co-prod po ng Borracho Films with Viva, starring Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez. Supporting naman po ako sa movie na Shoot! Shoot! with Andrew E., AJ Raval, Sunshine Guimary, at marami pa.

“Then, in development po ng Borracho Films ang launching movie ko po next year.”

Pahabol pa ni Angel, “Ang role ko po sa second movie ko, one of the love interests ni Andrew E. and Hashtag Wilbert Ross. Bale, ako iyong isa sa sexy girls na magpapatibok ng puso ni Andrew.”

Hanggang saan ang limitations niya sa pagpapa-sexy?

“Well, topless kakayanin at kita butt, bed scene or shower scene, kayang-kaya. Actually, challenging role iyon sa akin. Tapang ang kailangan doon at bilang artista, trabaho ko po iyan na magampanan ang role na ibibigay sa akin. Tiwala lang sa sarili na kakayanin ko ito,” saad pa ng aktres na ang naka-discover ay si Atty. Ferdinand Topacio.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …