ISASAILALIM sa Alert Level 4 ang Metro Manila simula bukas, 16 Setyembre, alinsunod sa bagong quarantine classification scheme ng administrasyong Duterte
Sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año, umpisa ito ng implementasyon ng granular lockdown upang mapigilan ang pagdami ng kaso ng CoVid-19.
Ibig sabihin ng Alert Level 4 ay lomolobo ang kaso ng CoVid-19 at mataas ang utilization rate ng ICU beds.
Sa ilalim ng Alert Level 4, hindi pinapayagan makalabas ng bahay ang may edad 18 annyos pababa at mahigit 65 annyos pataas, may health comorbidities, at buntis.
Pahihintulutan lang silang makalabas kung bibili ng essential goods o services o nagtatrabaho sa permitted industries.
Ipinagbabawal rin ang ng indoor visitor o tourist attractions, indoor leisure centers, gyms, recreational venues, gaming establishments, mass gatherings, meetings, at staycations.
Habang papayagan ang outdoor dine-in services, barbershops, hair spas, nail spas, beauty salons, at physical religious gatherings ng hanggang 30% sa kanilang outdoor seating capacity, at 10% para sa indoor capacity, pero para lang sa mga fully vaccinated laban sa CoVid-19.
Samantala, ang necrological services ay limitado sa immediate family members, at kailangang full compliance sa minimum health protocols. (ROSE NOVENARIO)