Friday , November 22 2024
shabu drug arrest

3 tulak hoyo sa P.4-M shabu (Sa Navotas)

KULUNGAN na ang hinihimas ng tatlong tulak ng shabu matapos maaresto at makuha  ang mahigit  P.4 milyon halaga ng ilegal na droga  sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Navotas City chief of police (COP) Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Clarence Lucas, 18 anyos, iniulat na isang tulak; Francisco Casariego, 37 anyos, nakalistang user; at Yuki Dionisio, 18 anyos, itinalang user, pawang residente sa Brgy. Tangos North.

Ayon kay Col. Ollaging, dakong 1:10 am nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Luis Rufo, Jr., ng buy bust operation sa AR Cruz St., Brgy. Tangos North.

Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nagawang makipagtransaksiyon kay Lucas ng P1,000 halaga ng droga.

Nang tanggapin ni Lucas ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu, agad siyang sinunggaban ng mga operatiba, kasama si Casariego at Dionisio.

Nakuha sa mga suspek ang halos 58.5 gramo ng hinihinalang shabu, may corresponding standard drug price P397,800, buy bust money at isang body bag.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

Mikee Quintos Paul Salas

Paul at Mikee naiyak sa ganda ng kanilang pelikula

I-FLEXni Jun Nardo WORTH it ang unang big screen team up ng showbiz couple na …

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

DOST 2024 NSTW in Cagayan de Oro City

2024 NATIONAL SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK Siyensya, Teknolohiya at Inobasyon: Kabalikat sa Matatag, Maginhawa, …

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *