Monday , May 5 2025

Bilyones na Covid-19 funds ‘bayad-utang’ ng Duterte admin sa ‘criminal ring’

ni ROSE NOVENARIO

NAPUNTA sa kamay ng sindikatong kriminal at mga pugante sa batas ang bilyon-bilyong pisong pondo ng Filipinas para sa pagtugon sa CoVid-19 pandemic.

Isiniwalat kahapon ni Sen. Risa Hontiveros na tinutugis ng Taiwan government ang mga opisyal ng Pharmally International Holding Co Ltd na sina Huang Wen Lie, Huang Tzu Yen, at business partner ni Michael Yang, dating economic adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte, bunsod ng financial crimes.

“Why is this government transacting with fugitives? Bakit tayonakikipagnegosyo sa mga taong may warrant of arrest pa nga sa ibang bansa? Napunta ba sa isang embezzler, isang estafador, ang CoVid funds?” mariing tanong ni Hontiveros.

Batay aniya sa website ng Ministry of Justice ng Taiwan,sina  Huang Wen Lie a.k.a. Tony Huang, anak na si Huang Tzu Yen, at kasosyo ni Yang na si Zheng Bingqiang ay wanted sa iba’t ibang financial crimes.

Si Huang ay wanted dahil sa mga kasong securities fraud, embezzlement, at stock manipulation. Siya ang chairman ng Pharmally International Holding Co Ltd at kasama nina Pangulong Rodrigo Duterte at Yang sa isang pulong sa Davao City noong Marso 2017.

Ang anak niyang Huang Tzu Yen ay wanted sa kasong stock manipulation, ani Hontiveros base sa Taiwan Ministry of Justice Investigation Bureau website.

Siya ay co-owner ng Pharmally Pharmaceutical Corporation, ang pinagkalooban ng administrasyong Duterte ng pinakamalaking kontrata para sa medical supply.

Kahit nasa Taiwan si Huang mula pa noong 29 Disyembre 2020 ay ibinigay ng gobyernong Duterte sa kanyang kompanya ang mga kontrata para sa medical supplies hanggang noong Hunyo 2021 at habang may arrest warrant laban kay Zheng Bingqiang dahil sa pagkakasangkot sa stock manipulation scheme ni Huang Wen Lie.

Si Zheng ay close business associate ni Yang, at tinukoy sa Chinese news websites bilang presidente ng Fu De Sheng Group, na chairman si Yang.

Napaulat na si Zheng ay kaharap nang i-tour ni Yang si Duterte sa tanggapan ng Fu De Sheng sa Xiamen, China noong 2015.

Sa panayam sa programang The Chiefs sa One News kagabi, binigyan diin ni Hontiveros na ginawa ng Kongreso ang tungkuling ipasa ang Bayanihan Law kaya’t nagulat ang mga mambabatas sa lumabas na Commission on Audit (COA) report na hindi pala ito napunta sa health workers at pambili ng bakuna bagkus ay ginamit ng gobyerno para makipagtransaksiyon sa mga pugante kaya nawaldas ang pera ng bayan.

“We passed Bayanihan Law kaya nakaka-shock ang COA report, ‘di pala ginamit sa health workers, ‘di pala ginamit sa bakuna and now we have this spectacle that the government is transacting with fugitives to misuse public fund,” aniya.

“Dumarami at lumalakas ang boses ng taongbayan na galit kasi damang-dama ng lahat ang dusa ng pandemya, itong dusa ng recession and now to find out that government has been transferring, transacting with these criminal types using Filipino funds to buy overpriced PPEs. Aba siguro naman dapat pakiramdaman nitong administrasyon ang pakiramdam ng mamamayan,” dagdag niya.

        Hindi aniya dapat maging reckless na deadmahin lang ng mga opisyal ang imbitasyon ng isang hearing, batay sa utos sa kanila ni Pangulong Duterte dahil dumarami ang nakikinig, sumusubaybay at pinaniniwalaan ang imbestigasyon ng Senado at gustong malaman ng mga Filipino kung ano ang totoo para maiwasto kung maiwawasto pa.

About Rose Novenario

Check Also

Sarah Discaya

Kailangang Maranasan ng Pasigueño ang Totoong Serbisyong Pampubliko – Ate Sarah

Karapat-dapat ang mga Pasigueño sa tunay at konkretong serbisyong pampubliko, at hindi lamang sa tinatawag …

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

Mga pinuno ng Caloocan, nagbuhos ng suporta sa 106 TRABAHO Partylist

MULING inendoso ni Cong. Oscar “Oca” Malapitan ang 106 TRABAHO Partylist sa unang Distrito ng …

Coco Martin FPJ Panday Bayanihan

Coco Martin, buong-pusong suporta sa FPJ Panday Bayanihan sa Pangasinan

BUONG PUSONG inendoso ng aktor na si Coco Martin ang FPJ Panday Bayanihan Partylist. Sa …

Raymond Adrian Salceda

Mayor Salceda: HEART 4S program para sa Albay 3rd district 

POLANGUI, Albay – Tiniyak ni Mayor Raymond Adrian Salceda ng bayang ito na matagumpay na …

Ina nagluluksa sa pagpanaw ng anak habang nakapila sa ayuda Marikina

Ina nagluluksa sa pagpanaw ng anak habang nakapila sa ayuda

ISANG INA ang nagluluksa sa pagkamatay ng kanyang anak, habang nasa payout event na inorganisa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *