Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
19th Development Policy Research Month, DPRM
19th Development Policy Research Month, DPRM

Bulacan makikiisa sa obserbasyon ng 19th Development Policy Research Month

UPANG pataasin ang kamalayan ng mga Bulakenyo sa kahalagahan ng policy research sa pagpapaunlad ng bansa, makikiisa ang lalawigan ng Bulacan sa obserbasyon ng 19th Development Policy Research Month (DPRM) ngayong Setyembre na pinangungunahan ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS).

Ang nasabing aktibidad ay may temang: “Muling Magsimula at Magtayo Tungo sa Mas Matatag na Pilipinas Pagkatapos ng Pandemya.”

Layon ng obserbasyon sa taong ito na talakayin ang pangangailangang i-reset ang mga nakasanayang mga gawi upang maitaguyod muli ang Filipinas pagkatapos ng pandemyang CoVid-19 at lumikha ng isang mas mahusay na bansa sa pamamagitan ng pagbabalanse ng interes ng mga tao, kita o pagbibigay ng pantay na kahalagahan sa ekonomiya, lipunan at kapaligiran.

Bilang paraan ng pakikiisa at pagpapakita ng suporta, hinihimok ng PIDS ang bawat lokal na pamahalaan, mga ahensiya, organisasyon at iba pa na

i-display ang pisikal o electronic banner ng DPRM sa kanilang mga tanggapan at opisyal na website at sa pag-follow sa kanilang social media pages para sa mga karagdagang anunsiyo at updates.

Isang virtual kick-off forum din ang isasagawa sa 2 Setyembre 2021, 9:00 am, sa pamamagitan ng Cisco Webex na ipalalabas sa publiko sa Facebook page ng PIDS na dadaluhan ng mga panelista mula sa iba’t ibang sektor upang magbahagi ng kanilang kaalaman sa nasabing tema, habang ang 7th Annual Public Policy Conference (APPC) naman ay isasagawa sa pamamagitan ng webinar na may apat na bahagi na gaganapin sa 14, 16, 21 at 23 Setyembre sa ganap na 9:00 am.

Samantala, inihayag ni Gob. Daniel R. Fernando ang kanyang pagsuporta sa layunin ng DPRM lalo at bibigyang pansin nito ang epektibong pagpaplano at paggawa ng mga patakaran na makatutulong hindi lamang sa lalawigan kundi maging sa buong bansa.

“Taon-taon ay napakaganda at napakahusay ng layunin ng DPRM; lalo na ngayong taon (kung saan) ay tatalakayin (na)ng lubusan ang pagsasaayos ng mga pamamaraan sa pagpapabuti ng ating bansa ngayong tayo ay kasalukuyang dumaranas ng pandemya. Mahalagang mabuksan ang kamalayan ng publiko sapagkat ang pagbabago ay nagsisimula sa bawat isa sa atin,” anang gobernador.

Ang buwan ng Setyembre bawat taon ay idineklarang Development Research Month (DPRM) alinsunod sa Proklamasyon Blg. 247 ng Malacañang noong Setyembre 2002 na nagbibigay diin sa kahalagahan ng pagsasaliksik sa kaunlarang sosyo-ekonomiko ng bansa. (MICKA BAUTISTA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Micka Bautista

Check Also

SM SUSTEX Solar Panels

Solar Philippines company hindi nag-click sa bansa

ISINISI ng isang network ng digital advocates sa mga kapalpakan ng isang kompanyang pag-aari ng …

P43.4-M cocaine BoC NAIA

P43.4-M hinihinalang cocaine nasabat ng BoC sa NAIA-T3

NAKOMPISKA ng Bureau of Customs (BoC) ang hinihinalang cocaine na tinatayang P43 milyon ang halaga …

Amok na pasabero sugatan sa boga ng nagrespondeng airport police

BIINARIL ng mga pulis ang isang 54-anyos guwardiya nang manlaban sa inspeksiyon at tinangkang saksakin …

MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO 6 pulis sa robbery holdup

Sa pagkakasangkot ng 6 pulis sa robbery/holdup
MPD MALATE COP SINIBAK SA PUWESTO

ni Niño Aclan SINIBAK sa puwesto ang chief of police (COP) ng Manila Police District …

No Firearms No Gun

Gunrunner timbog sa entrapment operation

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang indibidwal na sangkot sa ilegal na bentahan …