Sunday , May 11 2025

Michael Yang ‘pagador’ ng Pharmally — Duterte

ni ROSE NOVENARIO

HINDI na mahihirapan ang Senado na ungkatin ang papel ng dating economic adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kuwestiyonableng kontrata ng Pharmally Pharmaceuticals Corporation dahil mismong punong ehekutibo’y inamin na pagador siya ng kompanyang nakasungkit ng P8.6-bilyong overpriced medical supplies.  

Sinabi ito ng Pangulo kasunod ng pagtatanggol kung bakit niya itinalagang economic adviser si Michael Yang, at si Lloyd Christopher Lao bilang Undersecretary ng Department of Budget and Management (DBM) na naging pinuno ng Procurement Service.

Sina Yang at Lao ang itinuturing na major players sa isinasagawang Senate Blue Ribbon Committee sa ipinagkaloob na kontrata ng PS-DBM sa Pharmally, isang maliit na kompanya, pero naging pinakamalaking supplier ng medical supplies sa panahon ng CoVid-19 pandemic.

Ikinuwento ni Pangulong Duterte na si Yang, isang Davao-based trader ang tumulong sa kanyang gobyerno para maisara ang mga transaksiyon.

“Lowest bidding kaya ito. Ang nagbili lowest bid. Ano ba reklamo ninyo? Kasi si Michael Yang daw. Negosyante ito ‘adre, hindi ito na.. nagtatapon ito ng pera. May contact ito sa China na malalaking korporasyon at siya ang nag-pagador and made their entry here,” aniya sa kanyang pre-recorded Talk to the People kahapon.

“Akala ko ba, let us go to China and invite the investors here? Ayun nag-invest nga pero sa panahon ng pandemya. What’s wrong with that?”

Batay sa mga dokumento, ang Pharamlly ay isang maliit na kompanya sa Taguig City na nabuo noong Setyembre 2019 at may kapital lamang na P625,000.

Imbes paimbestigahan, kinampihan ni Duterte si Lao sa paggawad ng kontrata sa Pharmally bilang pinuno ng PS-DBM.

“Anong masama kung magbayad ako ng utang? Nagtanong kayo saan galing itong tao… Ito fraternity brothers ko. Pero kung sabihin may nakuha o nakita kayo na mali, ipakulong ninyo,” sabi ng Pangulo.

Nauna rito’y ginisa ng mga senador si Lao sa pagkabigong ungkatin ang background ng Pharmally bago ipinagkaloob ang kontrata na tila sinadya at nagbigay-daan sa pandarambong sa kaban ng bayan.

Sa mga naging rebelasyon kahapon ni Pangulong Duterte, hindi na misteryo kung sino ang backer nina Lao at Yang at kung paano naging ‘pinakamapalad’ ang Pharmally sa panahon ng pandemya.

About Rose Novenario

Check Also

Anti Kid Peña

Paulit-ulit na Paglabag  
Campaign posters ni Kid Peña, natagpuan sa loob ng Makati barangay hall

MATAPOS mahuling may campaign materials din ang running mate na si si Luis Campos sa …

Benhur Abalos

Abalos, gustong palawakin gamit ng Special Education Fund ll

HINIMOK ni dating Interior and Local Government Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos ang pamahalaan …

Benhur Abalos

Boots Anson-Rodrigo, film executives inendoso si Benhur Abalos sa Senado

ni ROMMEL GONZALES SA unang pagkakataon ay nag-endoso ng isang political aspirant ang respetadong aktres …

Sam SV Verzosa 2

Tunay na pagbabago sa Maynila sigaw ni SV: Nagpasalamat kina Isko at Honey

MARICRIS VALDEZ “MAYNILA handa na sa tunay na pagbabago Ipapanalo ko kayo! Ito ang mga salitang …

Sharon Cuneta Kiko Pangilinan Kakie Pangilinan

Anak ni Sharon na si Kakie idinaan sa sulat kamay na liham paghingi ng suporta sa amang tumatakbong senador

ni MARICRIS VALDEZ IBINIDA ni Sharon Cuneta ang makabagbag-damdaming liham ng kanilang anak ni senatorial candidate Francis “Kiko” …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *