Monday , May 12 2025
shabu drug arrest

Aircon tech, 2 laborer arestado sa P.3-M shabu

MAHIGIT sa P.3 milyong halaga ng ilegal na droga ang nakuha sa tatlong pinaniwalaang tulak ng shabu nang maaresto sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Valenzuela City Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief, P/Lt. Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina  Darius Cabrales, 55 anyos, isang aircon technician; Jimmy Iligan, 46 anyos; at Ernesto Savarez, 50 anyos, kapwa construction workers at pawang residente sa Brgy. Marulas.

        Sa report ni P/SSgt. Ana Liza Antonio kay Valenzuela City chief of police (CO) Col. Ramchrisen Haveria, Jr., dakong 7:30 pm nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU, sa pangunguna ni P/Lt. Madregalejo ng buy bust operation sa isang bahay na matatagpuan sa  De Guzman St., Brgy. Marulas na nasabing siyudad.

Dito agad nagawa ng poseur-buyer na makabili ng P7,000 ng halaga ng shabu, at nang iabot ay agad na dinakma ang mga suspek.

Nakompiska sa mga suspek ang pitong transparent plastic sachets na naglalaman ng 50 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P340,000, buy bust money, isang tunay na P500 at 13 pirasong P500 boodle money, P350 cash, cellphone at pouch.

        Nahahaarap sa kasong paglabag sa Section 5, 26, at 11 under Article of RA 9165 ang isinampa ng pulisya laban  sa mga naarestong suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

GMA Election 2025

Pinakamalaki, komprehensibo, pinagkakatiwalaan hatid ng Eleksiyon 2025: 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage, asahan na …

COMELEC Vote Election

Konsensiya at puso gamitin sa pagboto

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ESPESYAL ang araw na ito para sa bansa. Huhusgahan na natin …

L sign Loser Vote Election

Mga artista mas ok kaysa trapo o dinastiya

I-FLEXni Jun Nardo EXCITING sa aming taga-showbiz malaman kung sino-sino ang papalarin sa mga artistang …

Elections

Init ng ulo ‘wag pairalin ngayong botohan 

I-FLEXni Jun Nardo ELECTION day! Hmm, alam na ninyo kung sino ang dapat iboto, huh! …

LTO- NCR, HPG Region 4-A, ginagamit sa local politics sa Quezon

LTO- NCR, HPG Region 4-A, ginagamit sa local politics sa Quezon

NANAWAGAN ang mga residente sa Commission on Elections (Comelec) na silipin ang paggamit sa isang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *