Wednesday , December 25 2024

Hidilyn Diaz uuwing dala ang unang gintong medalya ng Filipinas sa Olimpiada

Weightlifter Hidilyn Diaz wins first ever Olympic gold for Philippines

MATAPOS bumuhos ang luha ni Olympic gold medallist Hidilyn Diaz, inulan siya ng walang kahulilip na biyaya.

        Kahapon, nagbunyi ang buong bansa, sa tagumpay ni Hidilyn. Halos lahat ng nanonood ay napaiyak nang patugtugin sa Tokyo Olympics ang Lupang Hinirang, bilang pagkilala, respeto, at pagbubunyi sa tagumpay ng unang Filipino na nakapag-uwi ng medalyang ginto mula sa Olimpiada.    

        Masasabi nating sa kanyang mahabang paglalakbay sa weightlifting at sa pangarap na ‘Ginto’ sa Olympics, pinaboran ng Karma ang bagong bayani ng mga Filipino, na noong 2019 ay humingi ng tulong sa pamamagitan ng social media, para sa kanilang training sa Malaysia.

Magugunitang nabinbin sa Malaysia ang Team HD dahil sa pandemya, kaya’t nagdesisyong doon na gawin ang kanyang training para sa Olimpiada.

Kasama sa Team Hidilyn Diaz, sina head coach Gao Kaiwen, strength and conditioning coach Julius Naranjo, nutritionist Jeaneth Aro, at si sports psychologist Karen Trinidad.

Sabi nga niya noon, hirap na hirap na sila sa kanyang training kaya humihingi siya ng tulong pinansiyal para maipagpatuloy ang laban sa Olimpiada.

Pero hindi lang ‘yan, magugunitang noong Mayo 2019, ang pangalan ni Hidilyn ay isinama ni Presidential Spokesman Salvador Panelo sa listahan ng mga taong sangkot umano sa destabilisasyon laban sa administrasyon na tinaguriang oust Duterte matrix.

Si Hidilyn ay kabilang sa Air Force Special Service Group, PAF Personnel Management Center, 710th Special Operations Wing, kaya naging mahirap sa kanya ang karanasang isama sa oust Duterte matrix.

        Pero sabi nga, magbintang ka na sa sinungaling at mahilig mag-alibi, ngunit huwag sa isang taong may marubdob na hangaring bigyan ng karangalan ang bansa dahil tiyak na papaboran siya ng panahon.

        Sabi ni Paulo Coelho: 

“There is ONE GREAT TRUTH on this planet:

Whoever you are, or whatever it is that you do, when you want something, it is because that desire originated in the soul of the Universe. It is your mission on earth.”

“To realize one’s destiny is a person’s only real obligation. All things are one. When you want something; all the universe conspires in helping you to achieve it.”

Sakto ‘yang dalawang ‘yan kay Hidilyn.

Kaya naman parang mag-asawang sampal ang tumama sa mukha ng mga taong nagbintang sa kanya na siya ay kasama sa destabilization plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte nang tanggapin niya ang medalya at pumailanlang sa ere ang Lupang Hinirang bilang pagpupugay sa mga Filipino.

Nang manalo siya nitong Lunes, maraming ‘memes’ ang lumabas sa social media at sinabing baka ma-‘red tag’ na naman daw si Hidilyn dahil ‘nasapawan’ niya ang State of the Nation Address (SONA).

Hak hak hak!

Ngayon, kasama na sila sa mga bumabati kay Hidilyn at hindi lang ‘yan bumaha ang biyaya dahil sa karangalang iniuwi niya sa bansa gaya ng cash, real estates at iba pang perks mula sa pribadong sektor matapos ang kanyang record-breaking weightlifting feat sa Tokyo Olympics.

        Ngayong araw darating sa bansa si Hidilyn at pagkatapos ng 14-araw quarantine protocol, sasalubong sa kanya ang milyon-milyong incentives at iba pang regalo.

Sa ilalim ng batas, si Hidilyn ay tatanggap ng P10 milyon mula sa Philippine Sports Commission. Batay iyan sa Republic Act Under Republic Act No. 10699 na nilagdaan ng yumao at dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III noong 2015, ang Olympic gold medallists ay tatanggap ng P10 milyon at Olympic gold medal of valor na igagawad ng Philippine Olympic Committee (POC).

Bukod diyan narito pa ang ibang matatanggap ni Hidilyn: P10 milyon mula kay Manny V. Pangilinan ng PLDT, P10 milyon mula kay Ramon Ang ng San Miguel Corporation, P3 milyon mula kay deputy speaker and Rep. Mikee Romero ng 1-Pacman Party-list,

House and lot sa Tagaytay mula kay Philippine Olympic president Abraham “Bambol” Tolentino, isang P14-M condominium unit sa Eastwood City sa Quezon City mula sa Megaworld Corporation, isa pang house and lot mula sa Century Properties, habangbuhay na libreng sakay sa AirAsia, 80,000 miles of flight mula sa Philippine Airlines kada taon, lifetime din ‘yan.

        Lahat ‘yan ay resulta ng pagsisikap ni Hidilyn para bigyan ng karangalan ang ating bansa. Literal na mula sa kanyang ‘naglilipak na kamay at pawis’ ang bunga ng mga biyayang natatanggap niya ngayon at posibleng matanggap pa sa mga susunod na araw.

        Sabi nga sa kantang Banyuhay na inaawit sa simbahan:  “Pinagpaguran ng lipak na kamay at ng pawis na sa noo’y nunukal. Tanging sa Iyo lamang iniaalay, sagisag na walang kapantay.”

Sabi ni Megaworld Corporation chief strategy officer Kevin Tan kahapon: “This epic moment is about 97 years in the making, and this is our way of saying thanks to Hidilyn for making us all proud.”

Isa lang ang masasabi natin para kay Hidilyn Diaz: “Saludo sa bagong bayaning Filipino!”

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Hataw Tabloid

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *