Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sean de Guzman, ratsada sa kaliwa’t kanang projects

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

AYAW paawat sa pagratsada sa sunod-sunod na projects ang guwapitong aktor na si Sean de Guzman. Actually, nang naka-chat ko siya para makahuntahan, si Sean ay nasa lock-in shooting ng isa sa bagong pelikula niya.

Matapos niyang ilunsad at magmarka sa pelikulang Anak ng Macho Dancer, nabigyan si Sean ng magagandang projects na lalong hahasa sa kanyang talento bilang aktor.

Iba-iba kasi ang tema ng mga pelikulang napabilang si Sean. May sexy, drama-love story, at comedy. Kabilang dito ang Ang Huling Baklang Birhen sa Balat-Lupa, Bekis On The Run (BOTR), Nerisa, Taya, at Lockdown.

Ang naunang pelikula ay isang riot sa katatawanan na hatid ng Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista. Ito ay tinatampukan ni Teejay Marquez.

Anyway, ang Nerisa ay ipalalabas na sa July 30 ang global premiere sa ktx.ph, iWantTFC, and TFC IPTV sa halagang P249 at sa Vivamax. Maaaring mag-stream ng Vivamax sa web.vivamax.net.

Bukod kay Sean, ang naturang pelikula mula Viva Films ay pinagbibidahan nina Cindy Miranda, Aljur Abrenica, Elizabeth Oropesa, Bembol Roco, AJ Raval, Sheree, at Gwen Garci.

Ano ang role niya sa Nerisa?

Tugon ni Sean, “Ang role ko sa Nerisa ay si Michael, isa akong youth leader dito na may magulang na bilihan ng krudo ang business sa isang isla at ang nagmamahal kay Lilet (Aj Raval).”

Since sexy ang tema ng pelikulang pinamahalaan ni Direk Lawrence Fajardo, mayroon ba silang love scene rito ni AJ?

“May mga intimate scene, pero mas umiikot ang kuwento ng pelikula kay Nerisa,” pakli pa ni Sean.

Ano naman ang masasabi niya sa mga co-actor niya sa Nerisa?

Aniya, “They’re professional when it comes to work ethics and masaya ang naging samahan namin ng mga cast ng Nerisa dahil walang signal sa isla, so we’re very close na talaga.”

Sa pelikula namang Lockdown na tinatampukan ni Paolo Gumabao, ano ang role niya rito?

Pahayag ni Sean, “Ang role ko sa Lockdown, bale isa ako sa mga video call boys na nakikipag-video call sa mga costumers at nagbebenta ng katawan thru online. Dito ay dyowa ko rin ang mamasang na nagpapatakbo ng online prostitution.”

Nabanggit din ng masipag na talent ni Ms. Len Carrillo sa ilalim ng 3:16 Events & Talent Management, na siya’y labis na nagagalak sa takbo ng kanyang showbiz career ngayon.

Lahad ni Sean, “I’m so blessed sa lahat ng dumarating na project ngayon and grateful because despite of this pandemic, may mga natatanggap akong project.”

Incidentally, bukod sa magandang takbo ng kanyang career, si Sean ay pumasok na rin sa negosyo. Ang kanyang business ay ang Innocencio Apparel. Mahilig daw kasi ang aktor sa mga street wear na mga shirt.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …