Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

‘Banal’ hoyo (Nagbenta ng baril)

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lalaki matapos bentahan ng baril ang isang undercover police sa naganap na buy bust operation sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Col. Jay Dimaandal, hepe ng District Special Operation Unit (DSOU) ang naarestong suspek na si Richard Banal, 31 anyos, ng Kadiwa 4, Brgy. San Roque, Navotas City.

Sa report ni DSOU investigator PM/Sgt. Julius Mabasa kay Northern Police District (NPD) Director PBGen. Jose Hidalgo Jr., nakatanggap ang mga operatiba ng DSOU ng impormasyon mula sa isang regular confidential informant (RCI) na nag­bebenta umano ang suspek ng baril sa gilid ng Malabon Public Market sa F. Sevilla St., Brgy. Tanong.

Bumuo ng isang team ang DSOU sa pangunguna ni P/Lt. Glenn Mark De Villa at P/SSgt. Allan Reyes Ignacio saka nagsagawa ng validation sa lugar kung saan nagawang makipag­transaksyon sa suspek ng RCI at P/SSgt. Reynaldo Blanco bilang poseur-buyer.

Pagkatapos ng transak­siyon, agad dinamba ng mga operatiba ang suspek at narekober ang isang cal. 22 revolver, 5 bala at buy bust money na 3 pirasong tunay na P100 bills at isang pirasong P1,000 boodle money.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …