Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jasmine sa ‘di pabor sa kanila ni Alden — this is work!

Rated R
ni Rommel Gonzales

ANG trabaho ay trabaho. Ito ay matibay na pinaniniwalaan ni Jasmine Curtis-Smith, kaya naman kahit may ilan na hindi pabor sa tandem nila ni Alden Richards sa The World Between Us, pinanghahawakan niya na kailangan nilang kalimutan muna ang anumang personal na bagay o saloobin na mayroon sila, na bilang mga artista ay kailangan nilang gawin kung ano ang mga trabaho na ibinibigay sa kanila at ang mga karakter na kailangan nilang bigyang buhay.

“Yeah, kailangan kasi kapag pumapasok ka sa isang project, you have to remember, this is work.

“So everything that’s personal, i-plantsa mo iyan on your own, personal mo iyan na tatrabahuhin.

“Pero pagdating dito, kailangan kasi iyong inhibition na iyon, you put your guard down.

“Kailangan maging open ka sa magiging katrabaho mo. Para whatever they feel, you let yourself be affected by it.

“Kasi napaka-importante niyon, ‘di ba? Hindi magwu-work eh, kung hindi mo ibibigay sa kaharap mo.

“Especially with Alden, matagal na kaming magkakilala. Every time we see each other and even if we never get the chance to know each other that deep yet, pero ‘yung comfort, ang galing.

“Ako, it’s my personality that, ‘ah okay, been there, done that.’ I don’t get affected by anything.

“Even personally ano, ‘yung mga inhibition… because I’m part of a relationship or whatever or I’m the sister of ganyan, baka may maisip ang ibang tao.

“I don’t let that affect my work because napaka-unfair din naman sa sarili ko at sa mga makakapareha ko, ‘di ba?

“Hindi aming dapat hayaan na maapektuhan kami at iyong chemistry aming and iyong ibibigay aming sa show, kasi na-entrust sa amin.

“I have to be able to overcome that personally. And ako naman, feeling ko, nalagpasan ko na iyon.

“Nara-ride ko na iyong wave naming dalawa ni Alden. We got that kilig going on and alam na namin paano i-let iyong kilig na iyon and ma-reach iyon personally and professionally.

“Nandoon na kami, nakuha na namin and ako, I’m very comfortable. Nae-enjoy ko iyong kilig every time we’re on that scene and I’m glad that’s with Alden. There’s so much trust there talaga.”

Kaya sa The World Between Us na umeere na ngayon sa GMA, si Jasmine ay si Lia Libradilla at si Alden ay si Louie Asuncion.

Iyon ‘yun.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …