Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Barbie Imperial Diego Loyzaga

Diego nagka-Covid, nahawa kay Barbie

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


INAMIN
ni Diego Loyzaga na nagka-Covid din siya noon na nahawa sa girlfriend na si Barbie Imperial.

“I was there with her. Pareho po kaming nagkaroon kasi hindi namin alam noong time na ‘yon. I was taking care of her then nagpa-test siya, it came out positive so I got to test din.” Ito ang inamin ni Diego sa  face-to-face presscon ng TV series nila ni Cristine Reyes, ang Pinoy adaptation ng hit Korean drama na Encounter.

Ani Diego, wala siyang naramdamang symptoms nang tamaan ng COVID-19, pero kinailangan pa rin niyang mag-self-quarantine nang magpositibo sa virus. Makalipas ang dalawang linggo, nag-negative na siya mula sa isinagawang swab test.

“Mas malakas lang ‘yung resistance ko sa kanya kasi it didn’t last long sa akin. Wala kong naramdaman, I’m asymptomaticWala pang two weeks, I tested negative already. Parang it passed me lang. And Barbie was okay, she got better. Malakas  si Bie, she’s strong,” kuwento pa ng binata.

At ngayong medyo lumuluwag na ang sitwasyon, nagpaalala ang actor na kailangan pa ring mag-ingat dahil hindi biro ang Covid-19.

“Honestly, I’m speaking for myself, it wasn’t difficult like other people experiencing it around the world. ‘Yung pinagdaanan namin wasn’t so bad, thank God. 

“Pero the virus itself is not a joke kasi there’s people dying around the world because of it. Pero ‘yung sa aming dalawa, we were okay. Thank God,” giit pa ni Diego.

Napapanood pa rin sa TV5 ang Encounter at simula sa July 23, 2021, maaari na itong mapanood sa Vivamax. Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store at App Store.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …