Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cristine muntik mamatay dahil sa meningitis

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


NALAGAY
na pala sa bingit ng kamatayan si Cristine Reyes. Naikuwento niya ito sa face to face presscon ng Pinoy adaption na Encounter na ginawa sa Botejyu Sa Capitol Commons, Estancia, Pasig.

Anang aktres, muntik na siyang mamatay noong 2011 dahil sa meningitis.

“Overfatigue na ako noon, low immune system, tinamaan ako ng virus called meningitis. Nagkombulsyon ako sa set ng ‘Reputasyon’ (teleserye sa ABS-CBN noong 2011).

“They rushed me to the hospital and I stayed in the hospital for almost one month.

“They couldn’t find out what’s going on with me so they got to get a water thing in my spine to examine my brain.

“Then they found out na meningitis and it’s deadly. So, ako parang nag-pray na lang ako kay God noon and sabi ko, ‘I can’t die, I want to live,’” pagbabahagi pa ni AA (tawag kay Cristine).

Pagpapatuloy ni Cristine, ”I remember, I was fighting for my life. I am super weak. Then after a week of fighting for my life, lumakas akong bigla. So I guess, God gave me strength to fight because I asked for it and I don’t want to give up.” 

Sa kabilang banda, mapapanood na rin ang ipinagmamalaking series ng Viva Films, ang Pinoy adaptation na Encounter.  Ang hit Korean series ay tungkol sa May-December romance na pinagbibidahan nga nina Cristine at Diego Loyzaga na ginampanan nina Song Hye-kyo at Park Bo-gum sa Korea.

Ang Pinoy adaptation series ay idinirehe ni Jeffrey Jeturian na tiniyak na maipakikita nila ang mga mahahalagang eksena na nasa orihinal na  Encounter tulad ng romantikong sunset scene.  Hindi man natuloy ang balak nilang mag-shoot sa ibang bansa dahil sa pandemya, naging perpekto ang Cape Bojeador Lighthouse sa Burgos, Ilocos Norte bilang kapalit sa Cuba na pinanood ng mga bida ang paglubog ng araw.

Simula July 23, 2021, maaari nang mapanood ang Encounter sa Vivamax. I-stream na ito para malaman kung bakit hindi makalimutan nina Selene (Cristine) at Gino (Diego) ang kanilang pagtatagpo sa Ilocos kahit na bumalik na sila sa kanilang normal na buhay sa Maynila.

Kasama rin sa serye sina Yayo Aguila bilang Marilyn, Jeric Raval, Vitto Marquez, Aubrey Caraan, Benj Manalo, Raquel Montesa, Rey PJ Abellana, Candy Pangilinan, Raul Montesa, Josef Elizalde, Anna Jalandoni, at Louise delos Reyes.  

Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net. Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store at App Store.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …