Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Miggs Cuaderno, after 10 years ay muling nakatrabaho sina Claudine at Mark

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
MASAYA si Miggs Cuaderno na mapabilang sa pelikulang Deception na pinamahalaan ni Direk Joel Lamangan. Last month ay nagkaroon sila ng lock-in shooting ng naturang pelikula na tinatampukan din nina Gerald Santos, Sheree, Chanda Romero, at iba pa.
Saad ng award-winning child actor, “Kasama po ako sa comeback film nina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez sa Viva Films at Borracho Films.”
 
Ayon kay Miggs, nagulat daw sina Claudine at Mark dahil binata na siya ngayon.
 
“Sabi po nila binata na raw po ako… kasi si kuya Mark sa Munting Heredera (TV series) ko pa nakasama. Si Ate Claudine naman po, naging nanay ko siya sa isang episode sa Spooky Nights ng GMA-7.
 
“Bale, matagal na po ‘yung nakatrabaho ko sila, 6 years old pa lang ako nang nakasama ko sila. Ngayon po ay sixteen years old na po ako,” sambit ni Miggs.
 
Dagdag niya, “Natutuwa sila kasi maganda ang story nito, hindi siya RomCom, maipapakita nila ang husay nila sa pag-arte…”
 
Bakit Deception ang title ng movie?
Tugon ni Miggs, “Kasi po ang story, sikat na artista si Ms. Claudine, si Kuya Mark po stuntman, tapos nagpakasal sila at naging anak nila ako. Tapos nakulong si Ms. Claudine sa salang pagpatay sa asawa niya… parang ganoon po ang takbo.
 
“Maganda po ang story ng Deception, hindi po iyong typical na story. Dito, mapapaisip ka po, mapapaisip ang mga audience,” aniya pa.
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …