Sunday , December 22 2024

Direk Neal Tan, pinabilib ni Ina Alegre sa pelikulang 40 Days

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

IPINAHAYAG ni Direk Neal Tan ang pagsaludo niya sa casts ng pelikulang 40 Days  mula sa ComGuild Productions, starring Ina Alegre. Tampok din dito sina James Blanco, Michelle Vito, at Cataleya Surio.

Pero ayon kay Direk Neal, sa lahat ay pinabilib siya rito ni Mayor Ina, dahil ibang-iba na raw mula nang una niyang naidirek sa pelikulang Bigkis.

Esplika ni Direk Neal, “Si Mayor Ina naman, na-surprise ako sa kanya, kasi nga noon, kapag nagtatrabaho kami niyan ay wala pa siya sa focus masyado. Kasi may pinagka­kaabalahan siya, hindi ba? Hindi naman talaga ito ang kaniyang ano… may pinagkakaabalahan siyang iba, nagpo-focus siya sa politics. E nagkataon lang na gusto niyang mag-artista, kahit guest lang.

“Kaya noong nag-shoot kami ng pelikula kong Bigkis, ‘yung kay Baby Go, ginawa ko siyang news reporter. Magaan naman, wala naman masyadong effort sa pag-acting. Kaya lang ang problema niya, hindi siya makapag-memorize, mahaba line niya roon bilang news reporter.

Patuloy na kuwento ng director na nasa likod ng mga pelikulang Ataul for Rent at Tarima, “Tapos noong ito na, na-surprise ako. Siyempre bago naman nag-shooting kami, nag-shoot muna siya kay Direk Louie Ignacio, ‘di ba? Mayroon siyang ginawang movie roon, ‘yung Abe-Nida. So sabi ko, ‘Naku kung pinuri ka ni Direk Louie, ay naku talagang makikita ko na magaling ka na talaga!’”

“So noong first scene namin, naloka talaga ako! Para talagang veteran actress na siya. Siguro nakatulong ang pagiging mayora niya, nakatulong ang pagiging public figure niya, kasi humaharap siya sa mga tao, ‘di ba?

“Na-impress talaga ako sa acting dito ni Mayor Ina, sobrang impressed, actually. Mapapa­nood n’yo ang movie, mapa­panood ng mga press people.”

Tungkol saan ang 40 Days?

Tugon ni Direk Neal, “Actually iyong 40 Days, na-conceptualize ko iyan last year pa, noong nagkaroon ng pandemic. Hindi ba mayroon akong Pandemic Art? Tapos mayroon akong ginawang pandemic na theme song, na kanta… tapos since nasa film industry ako, gumawa rin ang ako ng pandemic script na tinatawag.

“Actually, apat iyan, nauna kong isinulat iyong Kawaren­tenas, tapos ay sumunod itong 40 Days, at mayroon pa akong isa, ‘yung Coming Home.

“So, nagustuhan ng producer iyong 40 Days, kasi tumatalakay iyon sa buhay niya at sa papel niya bilang ina ng kanilang bayan sa Pola. Doon uminog iyong kuwento, noong lockdown,” pakli ni Direk Neal.

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *