Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Silab ayaw ipapanood ni Jason sa GF

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


AYAW
ipapanood ni Jason Abalos ang pelikula niyang Silab na idinirehe ni Joel Lamangan sa kanyang GF na si Vickie Rushton. Katwiran niya, may butt exposure siya.

Ani Jason, hindi selosa si Vickie, pero, ”Hindi pa niya kasi ako napanood sa ibang pelikulang nagawa ko na ginawa ko rito sa ‘Silab.’”

Sinabi pa ni Jason nab aka ma-shock ang kanyang GF kapag napanood ang Silab.

Maayos, maganda, at mainit ang walong taong relasyon nila ni Vickie dahil open ang kanilang komunikasyon.

Samantala, naurirat si Jason ukol sa pahayag ni Vickie na graduate na  sa pagsali sa beauty contest.

Reaksiyon ng actor, ”Siguro nasa ano na kami ni Vickie eh, matagal na akong naghihintay na matapos si Vickie sa pagpa-pageant. Tingin ko ayon na ‘yon e. Sabi ko, ‘O tama na ‘yan, hindi ka na pwede, tayo naman.’

“Kasi hinayaan ko siya talagang lumarga, gawin niya lahat ng gusto niya habang dalaga pa siya, so ngayon siguro panahon na para bumuo ng pamilya,” sambit pa ng aktor.

Sa kabilang banda, si Jason ay gaganap na Emil sa Silab, ang asawa ni Cloe Barretto na magkakaroon ng relasyon kay Marco Gomez.

Mapapanood ang Silab sa Hulyo 9 sa Vivamax Middle East. Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can na for only AED35/month.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …