Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jerome, Dave, at Nikko bagong Richard, John, at Joey

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


M
ALA-PALIBHASA LALAKE raw ang bagong online show na mapapanood sa Puregold Channel, ang GVBOYS: Pangmalakasang Good Vibes na pinagbibidahan nina Nikko NatividadJerome Ponce, at Dave Bornea na libreng mapapanood sa Puregold Channel’s Facebook at YouTube pages simula July 10.

Ayon sa director ng GV Boys: Pangmalakasang Good Vibes na si Don Cuaresma, inspired ang kanilang online show sa Palibhasa Lalake nina  Richard Gomez, Joey Marquez, at John Estrada na napapanood noong 1987 hanggang 1998.

Ang GV Boys ay kuwento ukol sa kalokohan ng tatlong male boarders sa isang boarding house. Si Jerome si Jawo (short for Jaworski), kulang-kulang sa mga banatan, hopeless romantic, at sobrang mabilis ma-in love. Si Nikko naman si Dax (Eugene), mabilis ma-love at first sight at  ang pinaka-kolokoy. At si Dave si Zeus (Amboy), na tago ang tunay na pagkatao.

Kasama rin sa digital sitcom sina Carmi Martin (landlady), Wilma Doesnt, at Elsa Droga.

At dahil inspired sa Pablihasa Lalake ang digital sitcom, ang tanong ng lahat, matapatan kaya o malampasan nina Jerome, Nikko, at Dave ang galing at kasikatan nina Richard, John, at Joey?

Well, ‘yan ang ating malalaman o aalamin sa oras na mapanood natin ang GV Boys na kung pagbabasehan ang kakulitan nila habang iniinterbyu sila nina Kuya Boy Abunda at Gretchen Ho sa Sabado Bago Live noong Sabado eh andoon ‘yung kulit na nakita sa mga bida ng Palibhasa Lalake.

Ang SBL ay isa sa mga online show ng Puregold Channel na ang host nga ay sina Kuya Boy at Gretchen.

Bagamat Kapuso si Dave, nakatrabaho nap ala nito si Jerome sa isang endorsement kaya hindi na siya nanibago sa actor. Samantalang  parehong Kapamilya naman sina Jerome at Nikko.

Ani Dave hindi siya nahirapang makipagtrabaho sa dalawa lalo na kay Nikko. ”Itong si Nikko since sobrang napakakuwela lang, cool lang kasama, kaya hindi po ako nahirapan.

Pinuri rin ni Dave ang kabaitan ng dalawa.

“Well, in fact, napakabait po nilang dalawa, eh.”

Tinanong naman ni Gretchen sina Nikko at Jerome kung mabait  naman si Dave.

Sagot ni Nikko, ”Ahh, yes po! Kahit taga-kabilang estasyon siya, wala naman pong nangyaring pambu-bully. Bale nagkakaroon lang po ng pag-compare ng suweldo ha ha ha.”

Bukod sa digital showbiz talk at sitcom mayroon din palang game show ang Puregold, ito ang Playtime Panalo ni Luis Manzano, stand-up comedy show na The Ha Ha Hour ni Alex Calleja, at Mobile Legends: Bang Bang gaming tournament na Puregold Esports Live.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …