Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vic del Rosario ibabalik ang sigla ng showbiz

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


B
INIRO namin si Ella Cruz na tila mahal na mahal siya ng Viva dahil nagkaroon pa siya ng face to face presscon last Thursday na ginawa sa Botejyu Estancia. Nagkaroon na kasi siya digital virtual con­ference para sa pelikulang  Gluta na ipalalabas na sa July 2 na pinag­bibidahan nila ni Marco Gallo at idinirehe ni Darryl Yap.

Ani Ella, “Hindi ko nga po alam kung bakit, ha ha ha. Tanungin po natin sina boss. But of course I’m very happy ang blessed to see you.. all familiar faces po again. Sana mas maging… makabalik na tayo sa normal.

“It’s a sign na andyan na, andito na uli tayo, bumabalik na tayo. And I’m very happy na andito kayong lahat para tulungan ako na i-promote ang epelikulang ito na maipaabot ang magandang mensahe nito.

“And of course I’m thankful to Viva for organizing this little but big presscon kasi first time uli na magkaroon ng face to face presscon at sana po maging madalas uli ito. I’m just thankful that we are all safe and negative.” (Bago isinagawa ang presscon, nagkaroon muna ng antigen test ang lahat ng dumalo sa face to face presscon)

Ayon naman sa isang taga-Viva gustong maibalik unti-unti ni Boss Vic del Rosario ang sigla ng showbiz kaya nagpa-face to face presscon sila.

“Mahal na mahal kasi ni Boss Vic ang showbiz, kaya gusto niya na maibalik na ang dating sigla ng showbiz, para lahat maging masaya,” sambit ng taga-Viva.

“Inuna na nga niya itong paggawa ng face to face presscon at kabi-kabila ang paggawa ng movies ng Viva,”  dagdag pa ng aming kausap.

Sa kabilang banda, pinangarap pala talaga ni Ella na maging beauty queen kaya naman sobra siyang naka-relate sa character niyang si Angel sa Gluta na isang Aeta na nangangarap maging beauty queen.

“Gusto ko talagang maging beauty queen noon. Ikinuwento ko ‘yon kay Direk Darryl, sabi ko, ‘Alam mo, Direk Darryl noong bata ako pangarap kong maging beauty queen.’ Sumasali ako sa lahat ng contests sa school.

“Pero rito (showbiz) ako itinadhana, maging isang artista. Kasi ‘yung height ko hindi pang-beauty queen. Pero malay natin ‘di ba, wala nang height requirements ngayon.

“Isa ‘yon sa naging similarities namin ni Angel and siguro ‘yung pag-accept ni Angel kung sino siya. I’ve learned just recently kung sino ako and I’m very happy na mas makilala ko pa ‘yung sarili ko. Kasi ‘pag pala tinatanggap mo kung sino ka mas nakikilala mo kung sino ka.

“Ako dati hindi ko accepted lahat ng flaws ko pero I’ve learned recently to love them, to embrace them and para mas ma-identify na, ‘Oh, eto, ‘pag ganito si Ella ‘to. ‘Pag hindi ako maliit hindi ako si Ella, ganoon.’

“’Yung embracing who you really are mula sa pinakapangit na side mo hanggang sa pinakamagandang side,” paliwanag ni Ella.

Bukod kina Ella at Marco kasama rin sa pelikula sina Bambino, Juliana Parizcova, Rose Van Ginkel, at Cristina Gonzales.

Mapapanood na ang Gluta sa Hulyo2 sa Vivamax. Mapapanood din ang  Gluta sa Vivamax Middle East! Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can na for only AED35/month.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …