Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden kailangang makahanap ng syota

Rated R
ni Rommel Gonzales

INAMIN ni Alden Richards na isa sa mga gusto niyang ma-achieve ngayong 2021 ay ang makilala ang kanyang special someone.

Ito ang ibinahagi ni Alden sa kanyang guesting nitong Sabado sa Sarap, ‘Di Ba? na sumabak sila ni Cassy Legaspi sa isang masayang kuwentuhan at titigan challenge.

“Build my own house, do an international project, at saka find that someone,” saad ni Alden.

Samantala, ipinaliwanag din ni Alden kung bakit gaming ang kanyang paboritong ‘me time’ activity.

Aniya, ”’Yun ‘yung pinaka-sanctuary ko, when I play games after work. Parang ‘yun ‘yung nagde-detach sa akin sa showbiz world.” 

Speaking of gaming, mahilig din sa games at technology ang gagampanang role ni Alden sa much-awaited GMA series na The World Between Us na makakasama niya sina Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez.

Taliwas sa kanyang ‘good boy’ roles before, kakaibang Alden ang mapapanood sa serye. ”’Yung role ko rito, si Louie, hardworking student, matalino, masipag sa buhay, kaya lang may unfortunate events na nangyari sa kanya na nag-push pa even further to his limits,” kuwento ni Alden.

Abangan ang The World Between Us simula July 5 sa GMA Telebabad.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …