Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco at Dingdong napipisil bilang Ping

SINO kaya ang mas bagay gumanap bilang Sen. Ping Lacson kina Coco Martin at Dingdong Dantes?

Natanong namin ito dahil ito ang kuwentuhan ng ilang mga kapatid sa panulat nang mapag-usapan ang mga posibleng kumandidato bilang pangulo sa darating na eleksiyon.

At dahil isa sa matunog ang pangalan ni Lacson na tatakbong pangulo sa 2022 election bagamat wala pa itong pagkompirma, may nagsabing it’s time na gawan uli ng pelikula ang buhay ng senador.

“Dapat gawing pelikula muli ang buhay ni Ping. Marami na rin ulit nangyari after gampanan ni Rudy Fernandez,” anang isang editor na ang tinutukoy na pelikula ay ang Ping Lacson: Super Cop na pinagbidahan ni Rudy Fernandez noong 2000 at idinirehe ni Toto Natividad.

Nabanggit din ang 10,000 Hours ni Robin Padilla na ipinalabas noong 2013 at bagamat fictional ay inspired naman din sa ilang chapter ng buhay ni Lacson.

Anang senador sa isang interbyu noon ukol sa 10,000 Hours,”It’s fictional but inspired by that chapter in my life story when I was in hiding. I got paid for the film rights though.”

Sinabi rin nitong siya ang namili ng director at magbibida. ”Yes, I had a say in the choice of director and lead actor, at least. Also, I collaborated with the director, Ms. Joyce Bernal.”

Sakaling gawin uling pelikula ang buhay ni Sen. Ping payag kaya siya kina Coco o Dingdong? Pero may suggestion, kung gustong maging mas kontrobersiyal ng senador, si Raymart Santiago ang piliin at ang leading lady ay ang dating manugang niyang si Jodi Sta. Maria na GF ngayon ni Raymart. (MVN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …