Tuesday , December 24 2024
Eddie Garcia

Manoy Eddie bibigyang-pugay sa Udine Film Fest

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


B
IBIGYANG-pugay ang yumaong television at film legend na si Eddie Garcia sa Far East Film Festival (FEFF) sa Udine, Italy mula para sa kanyang napakahalagang kontribusyon sa industriya. Itatampok ang apat na feature films at isang short film bilang special tribute na tatawaging Eddie Garcia: Life as a Film Epic sa ilalim ng Retrospective section mula Hunyo 24 hanggang Hulyo 2 sa isang hybrid form na parehong may in-person at online showings.

Kasama ang mga pelikula ni Manoy sa walong pelikulang Filipino na tampok sa filmfest. Ang mga pelikula ni Manoy Eddie na kasama ay ang restored version ng pinakaunang pelikula ni Ishmael Bernal, ang Pagdating sa Dulo at ang Bwakaw ni Jun Robles Lana na magkakaroon ng Italian premiere, online worldwide, at offline screenings. Ang Rainbow’s Sunset naman ni Joel Lamangan, ang tumanggap ng Cannes Palme d’Or para sa Short Film na Anino ni Raymond Red, at ang Sinasamba Kita ni Eddie ay magkakaroon ng Italian at online only worldwide premiere.

Isang malaking pagdiriwang ang FEFF sa Europa na may pokus sa Asian Cinema at tumutulong sa commercial distribution ng mga pelikulang Asyano patungong European at Italian markets. Noong nakaraang taon, itinampok ang proyekto ni Xeph Suarez, Dancing the Tides at ang Skeleton River ni Khavn Dela Cruz sa FEFF Industry section.

Para sa ika-23 edisyon ngayong taon, tampok sa Competition section ang award-winning film na Fan Girl ni Antoinette Jadaone, na magkakaroon ng international festival at online worldwide premiere, habang ang Anak Ng Macho Dancer ni Lamangan ay magkakaroon ng Italian at online worldwide premiere. Ang A is for Agustin, ang pinakaunang feature-length documentary ni Grace Simbulan, ay nasa ilalim ng Out of Competition section at magkakaroon ito ng European at online worldwide premiere.

Para sa FEFF Industry section ngayong taon, lalahok sa programa ng Focus Asia ang proyekto ni Martika Ramirez, ang Bird Eyes. Magiging parte naman ang journalists na sina Jason Tan Liwanag at Richard Olana sa FEFF Campus training project.

Mula 2017, sa pamamagitan ng Spotlight Philippines program, mayroon ng 19 pelikulang Filipino ang naipalabas sa FEFF, kabilang dito ang Die Beautiful ni Lana, Ang Larawan ni Loy Arcenas, at ang  Miss Granny ni Joyce Bernal, bukod sa iba pa,  na nagpapakita ng iba’t ibang kuwentong Filipino. Naging plataporma na rin ang festival na ito para sa marami pang Filipino filmmakers upang maging exposed sa global platform.

“We are grateful to the Far East Film Festival in Udine for propagating Asian films in Europe and supporting Philippine Cinema once more by featuring a total of eight films, selecting a project and two journalists, and mounting a heartwarming tribute to our eternal icon Eddie Garcia to further his artistry and legacy,” ani Film Development Council of the Philippines Chairperson at CEO Liza Diño.

Noong 2018, pinili ng FEFF ang Pilipinas bilang “Country of Focus” sa pagdiriwang ng Sine Sandaan o One Hundred Years ng Philippine Cinema. Sa pamamagitan ng International Film Festival Assistance Program ng FDCP, nagbigay ang pambansang ahensiya ng pelikula ng suporta sa limang napiling pelikulang Filipino para sa kanilang paglahok sa FEFF noong 2019. Dalawang Filipino projects naman ang napili para sa FEFF Industry section noong lumipat ito sa online platforms noong 2020.

Ang ika-23 na FEFF na binuo ng Centro Espressioni Cinematografiche ay magpapalabas ng 63 na pamagat mula sa Pilipinas, South Korea, China, Hong Kong, Japan, Malaysia, Taiwan, Thailand, Indonesia, Macau, at Myanmar.

 

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *