Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pingmeup.store ni Aiko ‘di maloloko ang mga consumer

Rated R
ni Rommel Gonzales

ABALA man sa pagiging negosyante, tuloy ang pag-aartista ni Aiko Melendez.

“I’m set to do a movie, very timely po ang title, ‘Huwag Kang Lalabas,’ trilogy po ito, ‘yung unang episode po is ako, si tito Bembol Roco, tapos may bata kaming kasama. ‘Yung second episode is si Beauty Gonzales,”  pagkukuwento ni Aiko tungkol sa kanilang bagong pelikula na ang direktor ay si Adolf Alix Jr..

Taong 2018 pa huling napanood sa pelikula si Aiko at ito ay sa Rainbow Sunset na isang multi-awarded drama film.

“So medyo kakaiba kasi ‘yung story nitong ‘Huwag Kang Lalabas,’ suspense/drama siya.”

Dagdag pa ni Aiko, “Ipauubaya ko na lang sa direktor namin kung paano ‘yung treatment ng pelikula. So I will just trust his instinct kung ano ‘yung gusto niyang atake ang gagawin ko para sa role ko.”

Nagbigay din ng “patikim” tungkol sa Book 2 ng highly-successful na Prima Donnas na show nina Aiko sa GMA.

“I’m happy to announce that first week of August po mag-i-start na po kaming mag-taping, hopefully kapag wala pong aberya at hindi po nag-iba ang protocol po rito sa banda natin, we’ll finally start the Prima Donnas Book 2.

“Wala pa lang talaga akong idea kasi as of the moment kasi noong kausap namin ang creative [team], pinag-iisipan nila, ‘yung last part kasi, roon sa mga nakapanood po, ‘di ba ang end part po at end frame po is dumilat ‘yung mga mata ni Kendra.

“So hindi natin alam kung pagdilat ng mga mata ni Kendra kung bumait ba siya o mas lalong sumama.  

“Iyon ang dapat nilang abangan.”

As a businesswoman, ang bagong pinagkakabalahan ni Aiko ay ang pingmeup.store na isang online selling website .

“I have a website po, ang pingmeup.store.

“It’s a website where you can shop online, anything, online. Lahat, mapa-sapatos, mapa-gamit. ‘Pag na-pini mo ‘yung website na ‘yun, lalabas lahat ng gusto n’yong bilhin, so para siyang ano, ayokong banggitin siyempe competitor iyon, at saka mas malakas na sila kaysa  akin,” at muling tumawa si Aiko. ”Dahil ako newbie pa lang, so iyon ‘yung website, iyon ‘yung concept ng website.

“You can shop online thru this website, pingmeup.store.”

Iniimbitahan ni Aiko ang mga interesadong sellers na nais maging parte ng pingmeup.store.

“Everybody’s welcome. And what’s nice about this website is we will handle the marketing, not to discount ‘yung ibang mga online shopping, ang online shopping kasi niyong mga iba is, ‘di ba may description tapos pagdating sa iyo,’ yung isa is kalahati lang pala ‘yung darating sa iyo.

“Ako maa-assure ko na ‘yung website ko, ‘yung quality control we have people to check talaga and balance everything para hindi naman kami mapahiya.

“And also para ‘yung seller din legit talaga.

“They have their own dashboard, we have our own admin to take care of it, mayroon kaming technical team to guide them on what to do.

“And what’s nice about my website, kapag nakita n’yo ‘yung website namin, hindi siya mahirap i-operate. ‘Di ba may mga website na ang dami-daming hinihingi sa iyo, kulang na lang pati passcode ng ATM mo hingin!

“This one, mayroon kaming security system sa website namin na talagang ‘yung password mo at ‘yung username mo ang makakaalam lang is ‘yung admin and ‘yung seller.

“So may protection both sides.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …