Tuesday , December 24 2024

Aiko sa ‘di pagbanggit kay Jom sa pagtatapos ni Andre — I don’t have to glorify or insult him by mentioning his name

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


KAY VG Jhay (Khonghun) sila dumidiretso,” pag­kukuwento ni Aiko Melendez ukol sa mga nangungumbinse sa kanya para muling pasukin ang politika.

Kinompirma nga ni Aiko na handa na siyang muling pasukin ang politika. Tatakbo siyang kongresista sa District 5 ng Quezon City sa darating na national elections.

Aniya, wala nang urungan kahit ano pa ang mangyari lalo’t nasa tabi niya ang itinuturing din niyang campaign manager, ang kanyang BF na si Zambales Vice Gover Jhay Khonghun.

“Mas marami talagang nag-uudyok sa akin na tumakbo bilang kongresista. Kasi nga 9 years akong naging konsehal, na-experience ko na ‘yon, gusto ko namang mag-level up sa public service. I’ve always been behind the scenes, I want to go back to that direction,” anang dating konsehal ng QC.

Wala pang partido si Aiko. ”Magde-decide kami end of July, kung saang partido kami sasama. Maraming kumakausap sa amin ni VG, actually mas maraming kumakausap kay VG kasi siya ‘yung campaign manager ko,”  natatawang wika ng aktres.

“Siya ang punong-abala, imbes na ako ang tawagan, siya ‘yung nililigawan para tumakbo ako! So talagang pinag-uusapan naming mabuti kung ano talaga. Eh si Vice Gov. kasi antagal na niya sa politika, eh.

“Modesty aside, hindi sa pagmamalaki pero kasi si Vice Gov wala pang talo kahit kailan sa lahat ng takbo niya. Kaya I thought of him being one who can guide me na to make the best decision that I can make for Quezon City.”

Ukol naman sa kanyang showbiz career, ibinalita rin nito ang kanyang pelikulang horror trilogy, ang Huwag Kang Lalabas at ang book 2 ng Prima Donnas.

Kasabay ng anunsiyong pagpasok sa politika ang paglulunsad ng kanyang online shopping venue, ang pingmeup.store na isa ring venue para sa mga gustong magnegosyo online. Kung interesado kayo rito, tsek n’yo lang po.

Isa rin sa napag-usapan ay ang pagiging emosyonal niya sa pagtatapos ng anak na si Andre Yllana. Bilang ina, naka-relate ako sa post ni Aiko nang gumradweyt ang kanyang anak ng Automobile Mechanic Course sa Don Bosco Technical Institute.

Aniya, ”I can’t help but be emotional. Una kasi hindi madali ‘yung pinagdaanan ko para mapagtapos ko anak ko yes on my own. Single mom ako, ‘di ba? Not complaining. I remember there were days na I was lacking in terms of financial at that time… it’s also a story of my ups and downs.”

Natanong ang aktres kung bakit hindi niya nabanggit ang tatay ni Andre na si Jomari Yllana sa mga taong pinasalamatan sa post niya nang magtapos ang anak.

“I don’t have to glorify or insult him by mentioning his name. Alam naman lahat ng tao na ginapang ko anak ko para makatapos. 

“Pero kung gusto niyang humabol at tumulong pa rin by March kasi baka mag-aral pa uli si Andre, welcome at willing ako roon,” paliwanag ni Aiko.

 

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *