Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Friendship nina Erich at Mario ‘di nawala

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio


MARIO is a good friend, kaka­ka­-usap ko lang sa kanya kanina.” Pagtukoy ni Erich Gonzales kay Mario Maurer nang matanong ang dalaga sa kanyang virtual media conference para sa La Vida Lena ng ABS-CBN kung may komunikasyon pa rin sila.

Ayon kay Erich, hindi sila nawalan ng komunikasyon ng Thai actor bagamat noong 2012 pa sila nagkasama sa pelikulang Suddenly It’s Magic ng Star Cinema.

Open si Erich na makatrabaho muli ang sikat na Thai actor sakaling magkaroon ng pagkakataon.

Aniya, ”Mario is a good friend. Nakakatuwa lang na kahit matagal na kaming nagkatrabaho sa aming movie na ginawa sa Thailand at dito ay nandoon pa rin ang communication, ‘yung friendship hindi nawala.”

Sa kabilang banda tuloy ang paghahanap ng hustisya ni Erich mula sa mga taong nang-api sa kanya sa teleseryeng La Vida Lena na mapapanood na sa Hunyo 28 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5, tuwing 10:00 p.m..

Ang La Vida Lena ay  ukol kay Magda (Erich), isang babaeng puro panlalait ang nakukuha sa iba dahil sa peklat na tumatakip sa kalahati ng kanyang mukha. Sa kabila nito, lumaki siyang mabuti, masipag, at mapagmahal sa mga kapamilya at kaibigan. Sa hangaring makatulong sa kapwa, makakaimbento si Lena ng isang sabong papatok sa buong bayan ng Salvacion dahil sa kakayahan nitong magpakinis ng kutis.

Ngunit imbes na yaman ang makuha niya mula sa produktong ito, sunod-sunod na kamalasan ang matitikman niya mula sa mga Narciso, ang pinakamakapangyarihang pamilya sa bayan ng Salvacion.

Makakasama sa La Vida Lena” sina Janice De Belen, Agot Isidro, Raymond Bagatsing, Sofia Andres, Christian Vasquez, Pen Medina, Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Malou Crisologo, Josh Ivan Morales, Hasna Cabral, Danica Ontengco, at Renshi De Guzman. Idinirehe ito nina Jojo Saguin, Andoy Ranay, at Jerry Lopez-Sineneng.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …