Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Maine Mendoza Arjo Atayde

Pamilya ni Arjo tanggap at mahal si Maine

MATABIL
ni John Fontanilla

TANGGAP na tanggap ng pamilya Atayde si Maine Mendoza bilang girlfriend ni Arjo Atayde lalo na si Sylvia Sanchez na botong-boto sa dalaga para sa kanyang anak.

Ayon kay Sylvia, ”Kamahal-mahal si Maine, mahiyain at mabait siyang bata.

Kuwento ni Sylvia, talagang likas kay Maine ang pagiging mahiyain.

May insidente pa ngang halos hindi makapasok sa tahanan nina Arjo si Maine nang dalhin niya ito roon para ipakilala.

Umabot nga ng 25 minutes bago pumasok si Maine dahil nahihiya ito at nanginginig.

“At sa bahay noong pinasok siya ni Arjo para i-introduce sa amin, bago makapasok sa bahay nanginginig, to think na sikat siya, Maine Mendoza siya puwede siyang pumasok ‘yung yabang na hello, Maine Mendoza ako.

“Pero 25 minutes bago makapasok dahil nahihiya, mahiyain talaga siya, pero napakabait na bata, kaya naman lagi kong sinasabi na hindi siya mahirap mahalin.”

Suportado ng buong pamilya Atayde ang relasyon nina Arjo at Maine dahil nakikita nila ang sobra-sobrang pagmamahal ng dalaga kay Arjo at alam ni Sylvia kung gaano rin ito kamahal ng kanyang anak.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …