Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andrea sa usaping puso — acceptance and reflect

Rated R
ni Rommel Gonzales

MAY mga pinagdaanan na si Andrea Torres  pagdating sa buhay-pag-ibig, kaya naman masasabing may “K” siyang magbigay ng payo o advise pagdating sa usaping pampuso.

Kaya naman sa Kapuso ArtisTambayan, nagbigay ng payo si Andrea sa mga ilang netizens na kasalukuyang may pinagdaraanang heartbreak at ibinahagi niya ang kanyang sikreto para maka-move on.

Isang netizen na nakipaghiwalay sa kanyang boyfriend ng limang taon ang humingi ng payo dahil hirap siyang kalimutan ang kanilang memories.

“Ang importante talaga riyan, kailangan mo siyempre i-embrace ‘yung process. Proseso ‘yan ‘di ba? At ang una roon, kailangan may acceptance ka. Once na-accept mo at na-reflect mo ‘yung nangyari sa relasyon, makuha mo ‘yung learnings doon sa relasyon, then puwede ka nang mag-move on,” payo ni Andrea na isa sa leading ladies sa Legal Wives.

“Kailangan mong tulungan ‘yung sarili mo. Kailangan mas mag-focus ka roon sa positive. Huwag kang mag-focus sa, ‘Ay hindi nag-work,’” sabi pa ni Andrea.

“Mas isipin mo na ‘Ah, kaya ito nangyari kasi mayroon itong magagawa for me, it’s for my growth. May mas malaking plano pa riyan, may mangyayari pang maganda sa akin.’ Ganooon dapat ang mindset mo,” patuloy niya.

Nanggaling din si Andrea sa break-up nang tapusin nila ni Derek Ramsay ang kanilang relasyon noong nakaraang taon.

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …