Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

RS nililigawan para tumakbo sa 2022 election

MATABIL
ni John Fontanilla

NGAYON pa lang ay ramdam na ang nalalapit na 2022 election sa pagsulpot ng iba’t ibang pa-goodvibes ads ng mga politiko lalo na sa social media na ipinakikita ang kanilang mga nagawa at proyeko sa kanya-kanyang termino.

Pero mautak na ang mga Pinoy na may kanya-kanya ring bet sa kung sino-sino nga ba ang nararapat tumakbo at iboto sa 2022 election.

Isa sa basehan ng mga Pinoy sa mga maluluklok at susunod na uupo sa gobyerno ay ang mga taong kumikilos, nagtatrabaho, at tumutulong lalo na ngayon sa panahon ng pandemya.

At isa nga sa nililigawan at inaalok para tumakbo sa susunod na eleksiyon ay ang Philanthropist at CEO & President ng Frontrow na si Direk Raymond RS Francisco dahil sa bukas palad at buong puso nitong pagtulong sa mga nangangailangan.

Pero mukhang wala sa isip ni Direk RS na pasukin ang politika, dahil ‘di naman porke tumutulong siya ay tatakbo na at papasukin ang politika.

Ayon nga kay Direk RS, ”Ayaw ko pasukin ang politika, hindi  ako bagay doon.

“Hindi naman porke’t tumutulong ako sa kapwa natin Filipino eh tatakbo na ako at papasukin ang politika.

“Puwede ka naman tumulong kahit hindi ka politiko, sa pagtulong naman hindi kailangan kung ano ang posisyon mo sa gobyerno, kahit ordinaryong tao ka at gusto mong tumulong sa abot ng iyong makakaya okey na ‘yun.

“Basta ako tutulong ako sa abot ng aking makakaya katuwang ang mga pamilya ko sa Frontrow.

“Hangga’t may nangangailangan ng tulong sa mga kababayan natin, nandito lang ako at ang Frontrow para tumulong,” pagtatapos ni Direk RS.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …