Monday , December 23 2024

Lacson sa pagkapangulo — Best to think long… It is not a game or a joke

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INIINTRIGA ngayon si Sen Ping Lacson ukol sa kanyang mga apo. Sino raw ba ang paborito ng senador, si Thirdy na apo niya kay Jodi Sta. Maria o ang bagong apong si CJ na anak naman ni Iwa Moto kay Pampi rin?

Taong 2017 kasi nang mag-tweet ang magaling na senador na paborito niya si Thirdy nang magsauli ito ng cellphone. Si Thirdy na hindi lamang honor student ani Lacson ay, ”Bright and honest DLSZ 6th grader. Very generous to others din daw. Makes me proud. Easily, my favorite apo,” sulat nito sa Twitter.

Nasabi niya ito noong wala pa si CJ ipinanganak naman ni Iwa noon lamang January 21, 2021.

Tulad ni Pampi, proud Lolo si Sen. Ping dahil may dagdag na ‘ika nga nila’y bundle of joy sa kanilang pamilya.

At siyempre, pare-parehong love at favorite ni Sen. Ping ang kanyang mga apo kasama na ang nag-iisang babaeng apo na si Mimi. Ganito rin tiyak ang trato ng senador sakaling tuakbo ito sa pagka-pangulo sa darating na eleksiyon. Pantay-pantay, walang lamangan.

Sa kabilang banda, hindi pa nagbibigay ng saloobin ang senador simula nang magpahayag si Tito Sotto na ang gusto niyang maka-tandem sakaling tumakbo siyang bise-presidente ay si Lacson.

Marami ang naghihintay sa magiging sagot ni Lacson sa tinuran ni Tito Sen kung tatakbo nga ito sa pagka-pangulo sa 2022. Sa post nito sa kanyang Twitter account, tila ito na ang tugon niya sa mga nagtatanong.

Anang senador, ”Sailing into the sea is the easiest decision to make. Not knowing how rough the water is the dangerous part. Measuring one’s skills in steering the boat is a big responsibility especially when people’s lives depend on it. Best to think long and hard. It is not a game or a joke.”

So pinag-iisipang mabuti ni Sen. Ping kung kakandidato siya o hindi bilang Presidente ng bansa.

Maraming netizens ang kumukumbinsi sa senador na tumakbo.

Tulad ni @villarpeter17 sinabi nitong, ”Please run for President Sir Ping! My (extended) families and I will support you all the way. I know it may hard for you…I don’t have very much but I’m willing to share even a little! I’ll offer even my profession/expertise Sir! Thanks (pray emoji)”

May pumuri ring netizen sa post na ito ni Lacson na sana’y maging ehemplo raw ni Manny Pacquiao. Anito, ”I wish Senator Pacquiao seriously think about this post. His advisers should honestly tell him the president is ot like the game of boxing.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *