Sunday , December 22 2024

Babala: ‘Blank gun’ kills

NAKALULUNGKOT ang nangyari sa isang miyembro ng Quezon City Police District (QCPD) na nabaril at napatay ang kanyang sarili nang pumutok ang pinaglaruang baril sa isang inuman kasama ang mga kapwa pulis.
 
Opo, nangyari ang insidente sa inuman blues… inuman ng tatlong magkakaibigang pulis at isang sibilyan sa isang bahay sa Quezon City.
 
Take note ha, mga pulis ang nag-iinuman… at ayon sa ulat, nangyari ang insidente dakong 3:50 am. Pasok pa sa curfew hour nang mangyari ang insidente. Hanggang 4:00 am ang curfew pero buti na lang sa loob sila ng bahay at hindi sa labas kaya, oks lang siguro.
 
Nangyari ang insidente nitong Linggo, 30 Mayo 2021, ng madaling-araw. Marahil ay off-duty ang tatlo kaya, nagkatuwaang mag-inuman sa bahay ng kaibigan nilang sibilyan na si Lorenzo Lappay sa 109 2nd St., Bitoon Circle, Brgy. Commonwealth, QC.
 
Sa ulat kay QCPD Director Brig. General Antonio Yarra, kinilala ang namatay na si Police Corporal Higinio Wayan, 31, nakatalaga sa Kamuning Police Station 10. Ang kainumang pulis ni Wayan ay sina Cpl. Sherwin Rebot at Cpl. Harold Mendoza…at si Lappay nga.
 
Bago nag-umpisa ang inuman, nagkasundo ang tatlong pulis na mag-unload muna sila ng kani-kanilang baril. Pinagtatanggal nila ang magazine ng kanilang baril. Okey iyon ha para sa kanilang seguridad.
 
Alam n’yo naman kapag, kargado na ng alak sa utak, maraming puwedeng mangyari.
 
Maganda ang kasunduan o naging hakbangin ng magbabarkadang pulis…safe na safe sila sa isa’t isa kung baga.
 
Una rito, kasama ni Corporal Wayan ang dalawa pang pulis na kanyang kaibigan na sina Corporal Sherwin Rebot at Corporal Harold Mendoza at isa pang sibilyan na si Lorenzo Lappay habang nag-iinuman sa isang bahay sa nasabing lugar.
 
Iyon nga lang, nangyari pa rin ang hindi inaasahan. May namatay sa inuman at iyon nga si Wayan. Nabaril nga ba ni Wayan ang sarili o binaril ng pulis?
 
Anyway, sa salaysay ni Lappay kay Police Staff Sgt. Rolando Laddaran, imbestigador ng QCPD Station 6, nagtungo sa comfort room si Rebot at iniwanan nito sa ibabaw ng mesa ang kanyang service firearm na Glock caliber 40. Ilang sandal pa, kinuha ni Wayan ang baril na itinutok sa kanyang dibdib at ipinutok. Bago pa nga kinalabit ang gatilyo, ayon kay Lappay ay nagbiro pa si Wayan at nagsabing… “gusto mo iputok ko pa ito sa sarili ko ko?”
 
Makaraan…bang! Hayun kinalabit ng pulis ang gatilyo kaya, siya ay namatay noon din sa pinangyarihan ng inuman. Marahil, inakalang wala nang bala ang baril dahil tinanggalan na ito magazine.
 
Nang makarating kay Yarra ang insidente, agad
niyang ipinag-utos ang imbestigasyon para malaman ang katotoohanan…kung may foul play ba. Bukod sa agad din ipinalagay ni Yarra sa kustodiya ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) sina Laddaran at Rebot.
 
Ipagpalagay natin na walang foul play sa insidente, ano kaya ang pananagutan ng dalawang pulis sa insidente lalo na si Rebot na nagmamay-ari ng baril na nakapatay kay Wayan?
 
Sa pakipanayam natin sa QCPD Public Information Office, awtomatikong sasampahan ng kasong administratibo ang dalawang pulis – marahil dahil sa negligence siguro. At kung salaking may foul play…doon na papasok ang criminal case.
 
Sinibak na rin ni Yarra ang dalawang pulis sa kani-kanilang assignment habang iniimbestigahan ang insidente.
 
Babala sa mga lespu natin o sa mga sibilyan na mahilig magdala ng baril kahit sa inuman, ito man ay may bala o wala, mas mabuti kung ito ay inyo nang iwanan sa bahay, dahil kung hindi…
 
Katunayan, ang insidente ay hindi lang ngayon nangyari kung hindi maraming beses na. Hindi lang sa hanay ng mga pulis.
 
‘Ika nga, mag-ingat dahil nakamamatay ang baril kahit na ito’y walang bala…at huwag gawing biro o paglaruan ang baril.
 
AKSYON AGAD
ni Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *