Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rabiya Mateo Kobe Paras
Rabiya Mateo Kobe Paras

Rabiya celebrity crush si Kobe Paras —I know nothing about basketball at hinanap ko siya

SOBRANG pinasalamatan ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ang mga dumalo sa kanyang exclusive Meet and Greet  na inisponsoran ni Ms Olivia Quido-Co ng OSkin and MedSpa sa Cerritos Mall, Los Angeles, USA kahapon.

Maraming kababayang Ilongga ni Rabiya ang nagtungo at nagulat si Ms O dahil umabot ang pila hanggang parking lot na ang iba ay nag-long drive pa galing Las Vegas, Nevada. Ang iba naman ay galing pa ng New Jersey, Virginia, New York dahil gustong makita at makatsikahan ng personal ang dalaga.

“Oo nga po Ms O nakatataba ng puso kahit hindi man natin na-penetrate ang Top 10 dahil sa pagmamahal nila (mga Pinoy), ramdam na ramdam ko na nanalo na rin ako. Kaya maraming salamat po sa mga Filipinong pumunta rito para makita ako, it means a lot to me,” pasasalamat ni Rabiya sa mga nagpunta sa okasyon.

Isa ang OSkin and MedSpa sa scheduled meet and greet na dinaluhan ni Rabiya sa Amerika.

Ang tanong ni Ms O, ”what’s next to you after this Miss U?”

“I have a lot of things to do, but I might go into acting, ha, haha,” nakatawang sabi ng dalaga.

When did you realize na acting pala ang gusto mo,’ tanong ni Ms O kay Rabiya.

“Kasi Ms O, I started during high school I do declamation, I write my own script and it’s one of my talent. So ngayon there’s an opportunity in acting, I will try,” kuweto ng beauty queen.

At kung mabibigyan ng pagkakataon ay mas gusto ni Rabiya na horror ang una niyang project na ikinagulat ni Ms O. ”Kasi it’s challenging, it’s very difficult to scare people so I’m offered that kind of genre.”

“Interesting ha, hindi ko ‘yun ini-expect na sasabihin niya,” tumawang sabi naman ni Ms Olivia.

Sino naman ang gustong makatrabaho ni Rabiya sa first project niya, ”ay marami like Maricel Soriano, ‘yung mga nasa haligi na talaga ng pelikulang Filipino, Dingdong Dantes, Ate Vi (Congresswoman Vilma Santos-Recto). Mangangarap din lang ako, tinaasan ko na, ha, haha.”

Sino ang celebrity crush ni Rabiya? ”Ms O, ito ang nakatatawa kasi I know nothing about basketball pero nanood talaga ako ng UAAP para makita siya, si Kobe Paras (naglaro sa UP), ha, haha. Kahit hindi ko na alam ang nangyayari hinanap ko talaga, asan si number 6?”

Panoorin sa FB page ni Ms Olivia ang iba pang pinag-usapan nila ni Rabiya tungkol sa life lesson, payo ng dalaga para sa mga kabataang iniidolo siya at sa mga gustong sumali sa beauty pageant.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …