Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JM Magalona’s #KuwentoNgTagumpay: tapsi business

ISA ang entertainment business sa grabeng naapektuhan ng pandemya. Pero maagap ang actor-model na si JM Magalona para hindi siya maigupo nito dahil nakapagtayo agad siya ng tapsilogan business at digital tools mula sa Globe.

Naging advantage ang pagiging showbiz personality cum fitness owner, ni JM para maging matagumpay ang kanyang bagong business na naibebenta online.

Sa kanyang Kuwento ng Tagumpaynai-share ni JM kung paanong ang pagkahilig niya sa Filipino dish na “silog” ang siyang naging kaagapay niya para makapag-umpisa ng bagong negosyo.

Pinag-aralan niya kung paanong mas magiging akma ang gagawing negosyo sa kasalukuyang estado natin ngayon. Sa P6,000 capital, nanghiram ng refrigerator si JM at inumpisahan ang kanyang Project Tapsi.

“Sabi ko this is it, bubuhayin ko ‘to, irerevise ko ‘to na para kayang gawin sa pandemic. Ginawa ko siyang delivery,” pagkukuwento ni JM. “Nagpost ako online para makita nila ng produkto ko,” aniya.

Ginamit ni JM sa kanyang negosyo ang LTE-powered Globe At Home Prepaid WiFi na nakatutulong para sa customizable, high-speed, plug at play internet connection gayundin sa pagpapabilis ng kanyang GCash para sa cashless transactions gamit ang kanyang mobile phone, para mas mapadali, mapabilis, at ligtas bukod pa sa mas convenient ding paraan ng pag-order ng pagkain ng mga customer niya.

Marami na ang gumagawa ng ganito tulad ng kay JM na talaga namang malaki ang naitutulong para mapadali ang buhay-buhay natin ngayong may pandemya. Kaya naman patuloy ang reinvent ng Globe para mahanap ang iba pang paraan para mas makatulong pa sa mga iba pang pangangailangan ng netizens.

“Ganda-ganda ng pasok ng income. May events at commercials ako, and yung gym, maraming tao. Smooth lahat. Tapos nung mangyari ang COVID, nawalan ako ng pag-asa. Devastating talaga.  Hindi ko naisip na sa pagsubok na to, mayroon palang pag-asa,” sambit pa ni JM na bago nagkaroon ng Project Tapsi ay na-stress din muna dahil sa pagkawala ng pagkakakitaan.

(MV)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …