INILUNSAD ng International Silent Film Festival Manila (ISFFM) sa kanilang ika-15 taon ang Mit Out Sound (MOS): International Silent Film Lab 2021 para lalong mapalaganap ang silent filmmaking sa Pilipinas.
Ang ISFFM ay joint partnership ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), Embassy of France in Manila, Philippine Italian Association, Goethe-Institute Philippinen, Instituto Cervantes de Manila, at Japan Foundation, Manila.
Taong 2007 itinatag ang ISFFM at isa ito sa mga natitirang silent film festivals sa mundo. Ito rin ang una at pinakamatandang Southeast Asian Silent film festival. Pinakaaabangan ito ng cinephiles at music lovers dahil pinagsasama nito ang film classics at mga musikero sa iisang entablado para magtanghal at mag-reinterpret ng mga kuwento.
Sa pamamagitan ng online na MOS: International Silent Film Lab, hinihikayat ng ISFFM ang paggawa ng silent films at makadiskubre ng new talents na makatatanggap ng mentorship mula sa local at international filmmakers tungkol sa story development, editing, technicalities, at iba pang elements ng silent filmmaking para lalong mapaganda ang kanilang visual narratives.
Pipili ang ISFFM committee ng 10 filmmakers pasa sumali sa intensive MOS film lab. Ang FDCP, sa pamamagitan ng Film Cultural Exchange Program (FCEP) nito, ang magsasagawa ng lahat ng kaganapan ng MOS, kasama ang Visual Storytelling Lab, Safe Filming Lab, at Editing Lab sessions na gagawin sa Zoom.
Sa dulo ng programa, tatanggap ang bawat kalahok ng P50,000 bilang production grant para magawa nila ang silent shorts na magkakaroon ng premiere sa Silent Short Film Competition ng ika-15 na ISFFM sa Nobyembre 2021.
Sa pagtatapos naman ng festival ay may incentive awards na igagawad: Best Film Award (P20,000 na may trophy at certificate), Jury’s Special Prize Award (P10,000 na may trophy at certificate), at Jose Nepomuceno Award (P15,000 na may trophy at certificate).
“Philippine Cinema has lost most of its early silent films. Thi s sad reality inspired the creation of the first Mit Out Sound: International Silent Film Lab in order to revive the interest in silent filmmaking and enhance the expertise of Filipino filmmakers in creating unique and quality films,” ani FDCP Chairperson at CEO Liza Diño.
Idinagdag ni Diño na mahalaga ang silent filmmaking sa kasaysayan ng Pelikulang Pilipino dahil ang unang pelikulang ipinrodyus at idinirehe ng Filipino, ang Dalagang Bukid ni Jose Nepomuceno, ay isang silent film. Ipinalabas ito noong Setyembre 12, 1919, at ang petsang ito ang naging batayan para sa deklarasyon ng Sine Sandaan o One Hundred Years of Philippine Cinema.
Dahil iilang filmmakers lamang ang gumagawa ng silent films, naglabas ang ISFFM ng nationwide call for entries na gawa ng amateur at professional filmmakers na may edad 16 pataas.
Ang MOS: International Silent Film Lab, na may theme na Reimagining the Past with the Present, ay nais ipagbunyi ang film retrospective at magbigay-pugay sa Philippine silent cinema. Ang submissions ay dapat magkaroon ng artistic at contemporary reimagination at recreation ng isa sa mga sumusunod na Filipino silent film classics: tulad ng mga gawa ni Jose Nepumuceno na Dalagang Bukid, Ang Tatlong Hambog, Ang Manananggal, Moro Pirates, Mang Tano, Nuno ng mga Aswang, Tianak, Mali-Mali, Estrellita del cine, Miracles of Love ni Vicente Salumbides, Patria Amore ni Julian Manansala, at Oriental Blood ni Carmen Concha.
Para sa filmmakers na nais sumali, kailangang ipasa ang sumusunod na requirements sa isang organized Google Drive folder na mayroong shared viewing setting sa [email protected] hanggang June 18, 2021: Presentation deck ng story treatment (Maaaring magpasa ng dalawang treatments ang bawat aplikante.); Kinompletong application form; Official government ID; at Portfolio ng past works.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio